Chapter 7

90.1K 2.9K 202
                                    

Chapter 7:

Last warning

HINDI na nagawang makapalag pa ni Patricia nang maramdaman ang mas paglapat ng likod niya sa dingding at ang mas paglapit ng mainit na katawan ni Sandro sa kanya. She was again taken by surprise but this time, his kiss lingered so long that when he his lips started moving, napapikit na lang si Patricia. Para siyang nahihilo habang nanlalambot ang mga tuhod.

Itinaas ni Sandro ang dalawang kamay niya at ipininid din sa dingding. May kung anong kilabot ang nanulay sa buo niyang katawan!

Nagkakagulo hindi lang sa dibdib ngunit pati sa loob ng utak ni Patricia. How to kiss? How to kiss? She has no prior knowledge about it! Ngunit sa bawat swabeng hagod ng mga labi ni Sandro ay napapaungol na lang si Patrcia. Tila nais niyang gayahin ang ginagawa nito.

Sandro's lips moved slowly this time. Parang hinihintay siyang matutunan ang ginagawa nito, binibigyang oras siyang pag-aralan kung paano ito kumikilos.

And Patricia just did how his lips moved. Her lips have an own life! Fast learner in this art! Lumuwag ang hawak ni Sandro sa mga kamay niya hanggang sa nagawa niyang makalawa at yumapos na lang sa leeg nito.

She heard Sandro hissed. Bumaba ang mga kamay nito sa baywang niya at mas hinapit siya palapit rito. That's when Sandro took the kiss deeper. Lalong nalunod si Patricia at parang hindi na makakaahon pa. His tongue entered her mouth. Her head went crazy. Hindi niya na masundan ito kahit gusto niya ring matutunan kung paano siyang binaliw nito.

Agad siyang naghabol ng hangin nang lumayo na si Sandro. Tinapos nito ang halik sa pagdampi pa ng mumunting halik sa labi at gilid ng labi niya. She slowly opened her eyes. Bumungad agad ang napakagandang ngiti nito na hindi nito madalas na ipinapakita.

His hand leaned against the wall behind her. Niyuko siya nito upang masalubong ang mga tingin niya. Sasabog na ang puso ni Patricia sa mga tingin pa lang nang pinapungay nitong mata.

"Did I satisfy?" he whispered, hoarsely.

She felt the goosbumps again. "S-Sandro..."

He looked at her with care and adoration. Sandro gently rubbed his thumb against his lips. Napapikit si Patricia dahil sa biglang emosyong gustong bumuhos mula sa mga mata niya.

She suddenly thought of her friend Nicola and her parents. All of them misjudged Sandro. All of them wanted her to stay away from this wonderful and gentle person right infront of her.

Sa mahigit isang buwang lumipas na pagkakakilala niya kay Sandro, isa lang ang alam niyang paniniwalaan niya. At iyon ay ang pintig ng puso niya. She won't take this long for the both of them.

Huminga siya nang malalim at dumilat. Buong tapang niyang sinalubong ang mga mata ni Sandro. She smiled sweetly at him. "I-I... I love you..." she confessed.

Tila ito natigilan at napakurap.

Nangilid ang luha sa mga mata niya. "Mahal kita, Alessandro. Please don't ask why. Because I don't know the reason too. I love you just because. At alam kong nahahalata mo na iyon."

Unang beses niyang makaramdam ng ganitong katinding emosyon. At alam niyang totoong totoo iyon para kay Alessandro. Kahit ano man ito, maging totoo man ang bawat paratang rito, alam niyang mamahalin at mamahalin niya pa rin ang lalaking ito.

Napatuwid ito ng tayo. Naging blangko ang ekspresyon. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "Hey, it's okay if you don't love me as much as I do. Sapat nang gusto mo 'ko. And that you wanted this to work out. Let's start from there, Alessandro. We're never far from love."

Deliverance (DS #1)Where stories live. Discover now