Chapter 43

97.3K 3.4K 621
                                    

           

Chapter 43:

Never healed

SIGURO'Y hindi talaga madaling magpatawad para sa isang katulad ni Sandro na napakaraming pasakit na pinagdaanan. They all knew his evil deeds but they never knew the reasons that made him indulge in it.

            Hinaplos ni Patricia ang mukha ni Sandro na payapang natutulog. Pagkatapos nang nangyari kahapon kasama ang mga kapatid nito ay wala namang nagbago. Pinaalis nito ang mga kapatid at natulog lang buong magdamag kagabi.

            Kinausap ni Patricia sina Kuya Bari at Blair. They promised that they will never give up on Sandro, too.

            "We love you, Alessandro. I can't understand, too, why God allowed you to experience everything that happened to you..." bulong niya sa natutulog na asawa. "But I will always trust in the Lord. I am surrendering you to Him. Now, all I've got to do is love you more."

            Masuyo niyang hinalikan ang noo nito. Bago pa magising si Sandro ay dumating si Dorothy para ihatid si baby Noah.

            Sandro was awaken by Noah's little hands tapping his chest. Hiniga niya kasi doon ang anak. And Patricia would trade everything when she saw Sandro's eyes sparkled and bright smiles crept easily in his lips. "Baby..."

            Agad itong niyakap ni Sandro at pinaulanan ng halik ang mukha ng anak. It was a fatherly habit that Baby Noah probably missed. Yumakap ang anak sa leeg ni Sandro.

            "How were you, son? Have you been a good boy?" Napakasaya nang tinig ni Sandro.

            "He missed you," aniya at saka umupo sa gilid ng kama nito. As usual, Sandro's attention is for Noah only.

            Baby Noah started to babble words and Sandro's smile became bigger. Inasikaso na lang ni Patricia ang pagkain ng asawa.

            Bumangon si Sandro buhat ang anak. Mabilis na kumilos si Patricia at in-adjust ang sandalan nito at mga unan. Nang masigurong komportable na si Sandro ay dinala niya na ang pagkain sa mga ito.

            "Okay, its Papa's eating time!" aniya at saka inilabas ang isang bowl ng fresh sliced fruits.

            Siguro ay gutom ang anak nila dahil napabaling din ang tingin nito sa hawak niyang pagkain. Lumabi ito.

            "Don't worry, baby, Mama didn't forget you." Nilabas niya ang crushed bananas na ginawa niya para sa anak. "Yehey! Sabay kakain si Papa at si Noah!"

            Ngumiti ang anak at sumipa-sipa. Napatingin ito kay Sandro at nginitian ang ama. Maybe Sandro's heart melted by Noah's innocent smile. Niyakap nito ang anak at napapikit pa.

            Noah's hand tried to reach for his food. Pinatong ni Patricia ang dalawang bowl na hawak sa portable table. Pinosisyon niya iyon sa harap ni Sandro.

            "Ikaw ang magsubo nito kay Noah," aniya sa asawa at binigay rito ang baby spoon. Itinaas niya ang mas malaking kutsara. "And I'll be the one to feed you."

            Kumunot ang noo nito. "Hindi mo kailangang—"

            Mabilis niyang nasubo rito ang hiniwang papaya at saging. Tinuro ni Noah ang pagkain nito kaya hindi na naka-apela pa si Sandro. Sinimulan na nitong pakainin si Noah. Nakakandong rito ang anak nila at nakapulupot ang isang bisig nito para sumuporta. Ang isang kamay pa nito ang nagsusubo ng pagkain sa anak.

            "Say, 'ah', Papa," sabay tapat ng kutsara sa bibig nito.

            Sandro ridiculously looked at her. Ayaw ibuka ang bibig.

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon