Chapter 30

98.1K 3.3K 334
                                    

Chapter 30:

Lose with you

GINALA ni Patricia ang paningin sa buong kuwarto ng mga magulang. Wala nang ookupa niyon. Kinuha niya ang wedding picture ng mga ito at niyakap nang mahigpit. Humiga siya sa kama ng mga ito at pumikit.

Tila mas naiintindihan na ni Patricia ang pinagdaanan ng Mommy niya. She lost the two greatest people in this world. Gusto lang ni Patricia nang katahimikan. But she never thought that her world would be literally quiet.

Nakakabingi ang katahimikan sa buong kabahayan sa nakalipas na dalawang buwan. Hindi niya na kakayaning tumira na lang mag-isa sa napakalaking bahay na puno ng napakaraming alaala.

Bakit ganoon? Kahit saang sulok ng tahanan, nakikita niya ang masasayang panahon na kasama niya ang mga magulang? Noong bata pa siya kapag nakikipaglaro sa kanya ang Daddy niya, kapag sinusuotan siya ng magandang damit ng Mommy niya...

She can clearly see the times when she made them proud, and the times she failed them. Kung hindi lang siguro siya buntis ay bumigay na rin si Patricia. A lot of times, when she's alone in her room, she just wanted to break down and to shut everything off.

Ngunit hindi puwedeng maging mahina. Nawala na ang mga magulang, it's too much tragedy to her already. Hindi niya hahayaang pati ang anak ay mawala.

Napadilat siya ng mga mata at hinaplos na ang mas lumalaking tiyan.She's already twenty-three weeks pregnant. That's five months and three weeks already. Kaunti na lang...

"I'm sorry, baby... hindi mo na nakilala ang grandpa at grandma mo." Napasinghot siya. "But I'll tell you a lot of stories about them."

Nanatili ng ilang oras si Patricia sa kuwarto ng mga magulang. Halos wala nang gamit doon dahil tuluyan na niyang napagdesisyunan na ibenta ang mansyon at lumipat na lang sa isang condominium unit na pag-aari rin ng pamilya nila. Kahit doon, puwede siyang mag-isa lang na tumira.

Tumayo na siya nang makaramdam ng gutom. Pagkababa niya ay nakahain na ang pagkain.

"Ma'am, nasa labas na daw po ang moving truck."

Umupo siya sa kabisera. "Okay. Puwede nang unahing ilabas ang mga gamit nina Daddy at Mommy. Hulihin niyo na lang ang mga gamit ko para madaling maibaba pagdating sa condo."

Tumango ang kasambahay at pinapasok na ang ilang magbubuhat ng mga gamit. Huling araw na rin ng mga kasambahay nilang matagal na sa kanilang naninilbihan. But she can't keep them all.

Habang kumakain ay pinapanood ni Patricia ang paglalabas ng mga gamit ng mga magulang. Hindi naman na kailangang dalhin pa ni Patrcia ang kagamitan sa bahay dahil kasama iyon sa binayaran ng bagong may-ari. Fully furnished naman na ang condo na lilipatan kaya puro damit at personal na gamit na lang talaga ang dadalhin niya.

After she ate her last meal at that house, she gathered all their housekeepers. Binigay niya ang suweldo ng mga ito. All of them were close to tears. Ayaw nang maging emosyonal ni Patricia.

"Thank you for serving our family for years. Thank you for your loyalty."

May ibang katulong na hindi napigil ang pagluha. Dala ang mga gamit ng mga ito ay isa-isang umalis na rin ang mga ito pagkatapos magpaalam sa kanya.

Napuno na ang moving truck, hudyat na rin para umalis. Bitbit ang family picture nila, lumabas na rin si Patricia at kinandado ang bahay.

Deliverance (DS #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ