Chapter 12

95.6K 3K 216
                                    

Chapter 12:

Notes

"YVETTE!" magkasabay na saway rito ni Uncle Herald at Alessandro.

Hindi lang umimik si Patricia pero parang gusto niyang sabunutan ang babae. Napatayo na rin si Uncle Herald at mabilis na nailayo ang anak kay Alessandro.

"I'm sorry," agad na lapit sa kanya ng nobyo. "Huwag mong pansinin si Yvette." Hinapit siya nito sa baywang at nilapit rito.

Tumango lang siya at kinalma ang sarili. Hindi niya papansinin ang pang-iinsulto nito. Hindi niya na lang iintindihin ang nakitang hayagang paghalik ng babae sa nobyo niya. She was raised to remain calm and poised.

"Papa! Bakit mo pinayagan na magka-girlfriend si Alessandro? Ako ang magiging asawa niya!"

The girl's even delusional!

"Uncle Herald, I think we must go," paalam ni Sandro.

"Thank you for the food and the stories, Uncle Herald. It was nice meeting you," she added politely. Nagawa niya pang makangiti ng totoo kay Uncle Herald. Pero parang gusto niyang irapan din ang anak nito. Ngunit nasa pamamahay siya ng mga ito kaya nginitian niya rin si Yvette.

Umismid ito.

"It was nice meeting you, too, hija!" magiliw na sabi ng ginoo habang mahigpit ang hawak nito sa braso ng anak. "Thank you for visiting my humble abode. You probably heard a lot about our family but you still came here. That's a very big thing for me."

Parang may kung anong humaplos sa puso ni Patricia. She can sense the genuinity.

"Sana ay makabisita ka ulit."

"Opo." Basta kung wala po ang anak niyo.

"I'll call you, Uncle," huling sabi ni Sandro bago siya hinila palabas doon.

"Alessandro, wait!" habol pa ni Yvette sa nagmamadaling boses. Hindi ito makawala sa mahigpit na hawak ng ama. "Don't leave yet! Kararating ko pa lang!"

Umiling lang si Sandro at hindi na lumingon pa. Siya ang napalingon at nakitang matalim ang tingin sa kanya ni Yvette habang mabait na nakangiti sa kanya si Uncle Herald.

Nang nasa kotse na sila ni Sandro at palayo na sa mansyon ng mga Octavio ay napabuntong hininga siya. The lunch was almost perfect until Yvette Octavio came to the scene.

"I'm sorry about Yvette," ani Sandro habang nagmamaneho na palayo. "She's... like that ever since."

Binuksan niya ang shoulder bag at nilabas ang panyo doon. "Matagal na siyang may gusto sa'yo. Bakit hindi na lang siya ang naging girlfriend mo?"

Umiling ito. "Kapatid ang tingin ko sa kanya."

"Akala ko ba wala sa Pilipinas ang mga anak ni Uncle Herald?"

He shrugged. "I thought so, too."

"Stop the car."

Napasulyap ito sa kanya at kita ang pagtataka sa mga mata.

"Stop the car for a minute, Alessandro," seryoso niya nang sabi.

Iginilid nito ang kotse at tumigil sila sandali.

"Why do we need to—"

Natigilan ito nang bigla niyang ipahid ang panyo sa mga labi nito—that lips that Yvette kissed. Even if it's just a peck!

Deliverance (DS #1)Where stories live. Discover now