Chapter 10

96.6K 3.2K 278
                                    


Chapter 10:

Heraldo Octavio

NAPANGITI si Patricia at parang maiiyak na talaga siya nang marinig ang mga katagang iyon mula sa isang Alessandro Delos Santos. "Y-You do?"

Natutunan na rin siyang mahalin nito? That fast?

Why do you wonder, Patricia? Ikaw nga ang bilis-bilis din.

Sandro hid his smile and brushed his lips to hers. "I need to go. Can we have dinner tonight?"

Mabilis na sana siyang sasagot ng "oo" nang maalala niya ang bilin ng Mommy niya. "I'm sorry. I need to go home early. Si Mommy kasi..."

Tumango-tango ito. "I see." Sumeryoso na muli ang ekspresyon nito at tumayo ng tuwid. Bahagya na rin itong lumayo sa kanya at inayos ang butones ng suot na coat. "I'll call you later."

"Yes," nakangiting sabi niya. "Pero aalis ka na talaga? 'Yung breakfast na pinadeliver ko..."

He pinched her chin. "You eat well. Huwag kang magpapagutom. And don't worry much," sunud-sunod na bilin nito.

Napalabi siya para mapigilan ang ngiti dahil sa kilig. "Thank you, mahal..." she playfully said.

Ang mailap nitong ngiti ay muling nagpakita sa kanya. Hinalikan na siya nito sa pisngi at saka nagpaalam na.

That day became so great for Patricia. She was suddenly good vibes all day. Hindi niya naisip pa ang Mommy niya at maging si Nicola.

Kaya naman pagkauwi niya ay hindi na siya nagulat na hinihintay siya ng ina.

Tumingin ito sa gintong relos at saka tumango. "Take a rest, Patricia. May pupuntahan tayo mamayang gabi."

Bumeso siya rito. "Where are we going, Mom?" she asked. Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng skirt. Sandro must be calling!

"May dinner meeting ang Daddy mo kasama ang ilang investors ng kompanya. I want us to be present there."

"To support Dad?" Bahagya niyang naitaas ang kilay. Noong bata pa siya ay mahilig nga siyang isama ng Mommy niya sa tuwing may dinner meetings ang Daddy niya.

"Just be ready by seven," istriktang sabi nito. "Wear your best dress, please. I don't want your skinny jeans and hanging blouse on the dinner table."

Halos maikot niya na ang mga mata. When she was in her teens, that's her favorite get-up. Na sobrang tinututulan ng Mommy niya. Minsan, nagsusuot pa rin siya niyon ngunit kapag magmo-mall na lang. Pero ayaw pa rin ng Mommy niya.

Nang makaakyat na sa kuwarto ay agad niyang ni-lock ang pinto at hinugot ang cellphone. Napangiti siya sa dalawang missed call ni Sandro. She called back and he immediately answered.

"I just got home, Sandro. Ikaw? Still at work?"

"Yes. There was a sudden close door meeting. Dumating ang Uncle ko."

Nahinto siya sa paghuhubad ng heels. "Uncle?"

Halatang natahimik ito mula sa kabilang linya. But after a short while, "Hmm. So I forgot to mention Uncle Herald to you."

Biglang kumalabog ang puso niya. Naalala niya bigla ang sinabi ni Nicola sa kanya... that Sandro was kept by the Octavios...

Uncle Herald? Herald... Heraldo...Heraldo Octavio. Patricia won't ever forget the name. Lalo na ng isang Octavio. Nicola hated the whole family. So, she was influenced not to meddle with them.

Deliverance (DS #1)Where stories live. Discover now