Chapter 21

86.2K 2.7K 330
                                    


Chapter 21:

Bleeding love

Five years ago...

"THAT'S not true! That's not true!" halos maghisterya si Patricia pagkatapos isiwalat sa kanya ng kinakapatid ang lahat.

"Patricia." Hinawakan siya ni Kuya Bari sa magkabilang balikat. "Ayoko ring paniwalaan ito nung una dahil naniniwala pa rin ako na mabuting tao ang kapatid ko. I had him investigated. And those were the reports given to me. He works for the Octavio's illegal job."

"No!" Tinulak niya ito at napailing-iling. "Alessandro won't do that!"

Drug selling. Women trafficking. Gun smuggling... ilan lang iyon sa mga ilegal na gawain daw ng nobyo niya. But she won't believe it! She won't!

"Kinausap ka ni Mommy! Para siraan sa'kin si Sandro! Dahil alam nilang maniniwala ako sa'yo!" sikmat niya kay Kuya Bari.

Kuya Bari is the type of guy that would never lie. He has been a good godbrother to her. Ibarra delos Santos has always been her idol. He's always calm and mature.

"Kung hindi lang ito totoo ay mas gugustuhin ko, Patricia," kalmado pa rin nitong sabi ngunit may binabadya ang mga mata. "When Papa died, ilang beses kong sinubukang kausapin si Sandro. God knows how I tried hard to persuade him to stop his illegal activities. Inaalok ko sa kanya ang mga minana kong kompanya mula kay Papa. Sinabi kong kung aalis siya doon ay hindi ko siya isusumbong. Bibigyan ko siya ng pagkakataong magbago. I want him to be a true Delos Santos. Kahit kalahati ng pinamana sa'kin ni Papa ay ibibigay ko sa kanya dahil kapatid ko siya at karapatan niya iyon."

Napaamang siya. Kuya Bari did that?

"Ngunit lagi lamang kaming napupunta sa pagtatalo sa tuwing aalukin ko siya nito. Pinipilit niyang kaya niya nang mag-isa ngayon." He sighed. "Patricia, I tried to save my brother. But he doesn't want to save himself."

"Patricia, I won't question why you fell in love with him. But I'm sure he's been lying to you."

Hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi siya maniniwala.... Hindi...

"He's using you because the society knows your family is good and righteous. Na hindi kayo papanig sa masama. Did you know that when the dating rumors spread about you and Sandro, bumaba bigla ang bilang ng mga taong naniniwalang masama siya? Because of you, Patricia. Many people believed that you won't date him if he's a bad guy. It's a favor to Sandro. Mas nakakapagtago siya dahil sa'yo."

"Tama na, Kuya Bari!"

Nag-isang linya ang mga labi nito. Nanghihinang napaupo si Patricia sa gilid ng kama. Napapikit siya.

She wanted to see Sandro. She missed him so much.

Lumabas si Kuya Bari. Akala niya ay umalis na ito. Ngunit bumalik ito maya-maya at may makapal na folder na pinatong sa tabi niya.

"I don't want to disclose that but you are too stubborn," seryosong sabi nito. "I want Alessandro to go to jail. Because I want him to learn his lesson. At kapag nagbago siya sa loob ng kulungan, ako mismo ang maglalabas sa kanya at bibigyan siya ng mas malinis na buhay. I can give everything to him. Dahil anak man siya sa labas ni Papa, kapatid ko pa rin siya. Kadugo. If I care too much for my cousins and you, what more to my own brother?"

Deliverance (DS #1)Where stories live. Discover now