Chapter 44

109K 3.6K 973
                                    

Chapter 44:

The consequences

"HELLO!" magiliw na bati ni Patricia sa asawa pagkadating nito sa visitor's area.

He was back in jail a month ago. At patuloy pa rin ang araw-araw niyang pagdalaw sa asawa. She never missed a day. Balik sa pagiging malamig at hindi pakikipag-usap si Sandro.

Araw-araw ay binabasahan niya ito ng devotion at bible verses. Ngunit tila walang nagbabago. Patricia won't give up, though.

"Pray tayo," aniya kay Sandro.

Natigilan ito at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. "Isn't it enough that you keep reading me some bullshits?"

Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. Tinaas niya pa ang noo. "It's not enough. Things won't be enough without prayers."

Napailing ito at sinubuan na lang ng baby food si Noah.

Napalabi siya. "Okay. If you're not yet ready..." Binaba niya ang muna ang Bible at saka pinagsilbihan ito ng pagkain.

"You can't change me, Patricia."

Napatingin siya rito. "Hindi talaga. I'm not changing you, anyway. I'm just sharing what I have learned. I was blessed and I'm praying that you could feel the same. Hindi ka naman na umaangal kaya pinagpapatuloy ko lang."

Kumunot ang noo nito pero hindi na nagsalita. Pagkatapos niyang maisilbi rito ang pagkain at pinanood niya ang mag-ama. Her son is growing fast. "Noah's turning one, three months from now. Hindi na 'ko magpapa-party. Dito na lang kami para makasama ka niya."

Hinaplos ni Sandro ang buhok ng anak. Pagkuwa'y napabuntong-hininga ito. "Hindi k aba nagsasawa? Everyday you are here. Wala ka bang ibang gagawin?" anito sa kanya kahit sa anak nila nakatingin.

"Wala naman. Hindi ko naman kailangang patakbuhin ang YDS dahil maganda naman ang pagpapatakbo ng associates mo doon." Napag-alaman sa investigations na legal at walang halong ilegal na negosyo ang investment company ni Sandro. Kaya hindi naman bumagsak nang makulong ito. There were more responsible leaders who handled the position that Sandro left.

"Bakit hindi mo buksan ulit ang negosyo mo dati?"

"Naisip ko na rin iyan." Nangalumbaba siya at tinitigan ito. "Nagpa-plano na 'ko kung paanong sisimulan ulit ang courier business ko. Pero siniguardo kong hindi ako magiging abala dahil mas priority ko ang bisitahin ka araw-araw."

"Have a life, Patricia."

She softly smiled. "But you are my life, Alessandro."

Umangat ang tingin nito sa kanya. No emotions.

She just smiled more sweetly at him. "You can give me a hundred reasons to give up on you. But I will always have one big reason to continue and stay. Ikaw ang mapapagod kakataboy sa'kin kaya huwag ka nang mag-aksaya ng energy, mahal."

Nagsalubong ang kilay nito. "You're unbelievable."

Nagkibit-balikat lang siya at kinuha na ulit ang Bible. Binuklat niya iyon at binasa ang highlighted verse. Napailing si Sandro. Nilaro nito ang anak para maiba ang atensyon.

Nagpatuloy lang si Patricia sa pagbabasa habang tinitignan-tignan ang asawa. She stopped in midsentence. Sumulyap ito sa kanya. Aha! He's listening!

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon