Chapter 36

81.3K 2.9K 382
                                    

Chapter 36:

The bad guy

PATRICIA tried to recall the last time Sandro made love to her.

At ngayon niya lang napagtanto, the last time was not even sweet. Nasa tapat siya ngayong ng library office ni Sandro sa bahay nila. The last time was when Sandro's very angry. It was last year. Bago pa siya mabuntis. After that... wala naman na.

Hindi sa gusto niyang mangyari ulit o ano pa man. Nakagat niya ang ibabang labi at umalis sa kinatatayuan. Pumunta siya sa kuwarto at nag-isip nang mas mabuti.

Sandro never touched her during and after her pregnancy. Kahit noong nagpakasal sila ay wala namang "honeymoon" na naganap dahil nagpapagaling pa si Sandro sa aksidenteng kinasangkutan nito. At habang buntis siya ay wala namang nangyayari sa kanila.

And after she gave birth. Tatlong buwan na ang nakalilipas. At hindi naman naisip ni Patricia ang tungkol doon. Sandro was always busy. Going home from work very late. Kapag may mga libreng araw ay ginugugol nilang dalawa sa pag-aalaga sa anak. Sandro and she never get intimate, again.

"Alessandro doesn't love you!"

"No," sabay iling para maalis sa isipan ang mga sinabi ni Yvette. Hindi porke't hindi pa sila ulit nakakapagsiping ng asawa ay hindi na siya nito mahal. Sex is not the standard of love. Siguro ay hindi lang nila naiisip ni Sandro dahil okupado na ni baby Noah ang atensyon nila.

Humugot siya nang malalim na hininga nang ilang beses. Pero hindi mawala sa isip niya ang boses ni Yvette. Lahat ng sinabi nito, tandang tanda niya. Kumuyom ang mga kamay niya. Pilit pinapakalma ang sarili.

Napadilat lang siya nang marinig ang pag-iyak ng anak. Agad siyang lumapit sa crib at binuhat ito. Pagkarga niya ay agad itong tumahan. Ginugol na lang ni Patricia ang sarili sa pag-aalaga sa anak. Tinawagan niya rin lahat ng contacts niya para sa binyag ng anak.

Nang matapos ay naghanap pa siya sa phone nang kakausapin. Baka may nakalimutan siyang asikasuhin.

Nicola. Kuya Bari.

She stopped herself from calling any of the two. Binaba niya ang cellphone. "Dorothy?"

"Yes, Ma'am?"

"I'll cook dinner. Ikaw muna kay Noah."

Agad na lumapit ito at kinuha ang anak sa kanya. Bumaba si Patricia sa kusina. Gumagalaw siya at nagluto pero tila nakalutang ang isip. Hanggang sa matapos siyang magluto. Maganda naman ang kinalabasan ng ulam. But she's not satisfied. Bigla siyang nawalan ng gana at panlasa. Tinawag niya ang isang katulong para ayusin ang niluto niya.

Hindi nakahabol si Sandro sa dinner. Hindi rin siya maayos na nakakain.

"Alessandro." Tumawag siya sa asawa nang mag-alas diyes na ng gabi. Napatulog niya na ang anak. Pati ang mga kasambahay ay nasa kanya-kanyang quarters na rin. "W-What time are you going home?"

"Katulad pa rin ng tingin ko mula kaninang umaga. At midnight, I'll be home."

"N-Nasaan ka?" Kanina pa siya kinakabahan habang hawak ang maliit na notebook na pinipilit sa kanya ni Yvette. "Nasa opisina ka ba?"

"No. I'm out for an outdoor business."

Outdoor business? Nang gabing gabi? Anong ginagawa ng mga taga-investment company at may outdoor business na lagpas nang office hours? Napalunok siya.

Deliverance (DS #1)Where stories live. Discover now