Chapter 33

90.7K 3.1K 309
                                    

Chapter 33:
Noah

HINDI maalis ni Patricia ang tingin niya kay Sandro. Mahimbing na natutulog ang huli habang siya ay pinagsasawa ang mga mata rito.

She lightly touched his imperial nose. And how she envied Sandro's natural long eye lashes. He's too gorgeous even in his sleep. Sana makuha iyon ng anak nila.

Pumikit siya at tahimik na nagdasal. Life has been peaceful since she started having faith again.

Maayos na nakalabas sa ospital si Sandro a month ago. Mabilis ang recovery ng mga sugat nito. Ngayon nga ay walang mag-aakala na naaksidente ito. He easily got back to his perfect shape.

Pangalawa, nahuli at nakakulong na ang um-ambush rito. It was a gunman from a rival company. Kinutuban siya na baka mula sa ilegal na negosyo iyon noon ni Sandro. It turns out, it's not.

Pangatlo, their marriage has been good. Wala ang mga kinatatakutan niyang mangyari. Gabi-gabi siyang nagdadasal na sana maging ayos ang pagsasama nila ng asawa. And it happened. The marriage was sweet, smooth, and loving.

Patricia started loving the fact that indeed, having God again in her life restored everything.

Marahan niyang kinurot ang panga ni Sandro. Mahinang napaungol ito at bahagyang dumilat. Nagising niya ito!

Napangiwi siya. "Sorry, mahal..."

"What are you doing?" inaantok na wika nito.

"Nothing," she smilingly said. "Tulog ka na ulit."

"Bakit gising ka pa?" Pinatalikod siya nito nang higa at hinapit siya ng yakap mula sa likod. He softly caressed her 35-week old tummy.

Masarap sa pakiramdam ang tumatagos na init mula sa katawan nito na tumutulay sa likod niya. Hinawakan niya ang kamay nito. "Sana magmana sa'yo ang baby. Sana kamukhang-kamukha mo..."

"How I wish."

"I've been praying. Basta naniniwala akong sa'yo magmamana ang baby." Dahil pinaglilihian niya ito. It's just subtle. Lagi niyang tinititigan si Sandro sa tuwing natutulog ito. It became a ritual. Kung hindi niya naman kasama, sa picture siya nito tumititig.

Hinalikan siya nito sa bumbunan. Maya-maya ay naramdaman niyang nakatulog na ulit ito. The comfort inside Sandro's arm made her so much at ease. Nakatulog na rin siya.

Kinabukasan, pumasok si Sandro sa trabaho. Patricia stayed at his house. May kasama na siyang dalawang kasambahay dahil kumuha si Sandro para may kasama siya tuwing wala ito.

"Anong magandang pangalan sa baby?" tanong niya sa kasambahay na si Dorothy. Kaedad niya lang ito at ito ang magiging nanny ng anak niya. Siya mismo ang nag-hire rito.

"Marami, Ma'am! Lalo na at lalaki pa ang anak niyo. Dapat tunog guwapo at mayaman."

Napangiti siya at hinaplos ang malaking tiyan. She's excited. Next week na ang due date niya. "Gusto ko sana junior. Kaso hindi ko pa nasasabi kay Alessandro."

"Sa tingin ko po ay matutuwa si Sir, Ma'am."

"Noah Alessandro delos Santos Jr.?  Then we'll call him 'Noah'? Kasi Alessandro na ang tawag sa asawa ko."

"Ay ang ganda, Ma'am! Sige po. Lalo na at galing naman sa Bible. Sabi nila, magagandang kumuha ng pangalan doon."

Napangiti siya at sinabi kay Sandro ang napagdesisyunan niya nang dumating ang hapunan.

"Is it okay with you?"

Ngumiti ito. "Gusto ko. A junior is every father's dream."

"Sabi mo iyan, ha. Ikaw naman ang pipirma sa birth certificate ng anak natin. Huwag mong biglang iibahin!"

Deliverance (DS #1)Where stories live. Discover now