Chapter 23

89.3K 3.4K 606
                                    

Chapter 23:

Marry me


"IT'S BETTER if you'll see your OB-GYNE," payo ng doktor sa clinic na pinagdalhan kay Patricia. "Para mas ma-check mo ang welfare ng baby mo. Ayos lang naman na magtrabaho ka, huwag lang masyadong maraming pinoproblema."

Napatango lang si Patricia. Huwag mamorblema? Her pregnancy right now was the problem! Paano niya 'to iyon sasabihin sa mga magulang? She can imagine her mother getting hysterical. And Nicola... then Storge...

Si Storge! Kailangan niya pang puntahan si Storge sa ospital.

Patricia was panicking in her mind. The pregnancy is not fully sinking in.

Nang palabas na siya ng clinic ay nakasalubong niya ang nurse na nag-asikaso sa kanya habang wala pa siyang malay kanina.

"Miss, excuse me," aniya rito.

"Yes, Ma'am?"

Ang huli niyang natatandaan ay si Sandro ang kausap niya bago siya himatayin. "S-Sino ang nagdala sa'kin dito?" Mag-isa na lang siya doon pagkagising niya.

"Ang sekretarya at dalawang security ng kompanya niyo po, Ma'am."

Napakurap siya. So, it's not Alessandro. Napalunok siya at pasimpleng napahawak sa tiyan. That's good, then. "Thank you."

"Okay, Ma'am. Take care po."

The clinic is just a three-minute away walk  from their company. Ngunit pagkalabas niya ay nakita niya ang family driver nila na sinusundo siya. She immediately went inside the car.

"Babalik po ba tayo sa PAL?" tanong ng matandang driver.

"Yes, please." Tatapusin niya lang ang ilang trabaho. Wala naman na siyang masamang nararamdaman. Except for the fact that she cannot believe she's pregnant.

She's having a child!

Nayakap niya ang sarili. Hindi dapat malaman ni Sandro na buntis siya. O kahit siguro malaman nito ay hindi nito aakuin. Kaya huwag na lang.

Kaya niya namang buhayin ang baby niya mag-isa. Maybe, she can just go back to Sweden, again. Stable naman na ang kompanya. Puwede siyang magtalaga ng papalit sa puwesto ng ama.

Masyadong maraming naisip si Patricia na gawin habang nagbubuntis siya. There are so many options. Mamimili lang siya ng isa.

"Ma'am Patricia, ayos na po ba kayo?" salubong agad ng sekretarya ng Daddy niya.

Mabait niya itong nginitian. "Yes. Salamat sa pagdala sa'kin sa clinic. Masyado lang daw akong pagod sabi ng doktor," sabi niya rito.

"Buti nga po at nakatawag agad ng emergency si Mr. Delos Santos, Ma'am."

"H-Ha?"

"Siya po kasi ang kasama niyo kanina, hindi ba po? Nang nahimatay po kayo, mabilis niya naman pong naagapan bago kayo bumagsak. Pagkatapos po nagtawag agad siya ng mag-aasikaso sa inyo. Pasensya na po, Ma'am, kung sa labas pa namin kayo nadala. Hindi po namin alam na wala po pala ang office doctor natin." Van looked very sorry. "Nagalit pa nga po si Mr. Delos Santos kasi nga naman po, dapat laging mayroong tao sa office clinic natin..."

Hindi alam ni Patricia kung bakit may kung anong kumudlit sa puso niya. "N-Nandyan pa ba si Alessan—si Mr. Delos Santos?"

Kumabog ang puso niya nang tumango ito. "Nasa board room po. Kasama niya ang VP at COA, Ma'am."

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon