Alessandro's Deliverance

171K 5.7K 1.3K
                                    

SPECIAL CHAPTER: Alessandro's Deliverance

YEAR 2018.

"OH! This is so touching, mahal!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Patricia nang matapos niyang basahin ang testimony na ginawa ko.

Pinagawa iyon sa'kin para ikuwento ko sa darating na Christmas Party ng kulungan ang mga natutunan ko nang nagbalik-loob ako sa Diyos.

"You think it's... good?" Kinakabahan ako dahil mas marami akong kasamahan na matagal nang may relasyon sa Panginoon pero ako ang napili para magsalita sa susunod na linggo.

"It's great! I was so moved! Ipagdadasal ko na sana mas maraming ma-bless sa oras na marinig nila ang testimony mo."

Nakahinga ako nang maluwag. Napangiti at tinupi na ang papel. "I hope so, too." Ilang linggo kong pinagpuyatan at pinagdasal ang sasabihin. Sanay naman akong humarap sa maraming tao. I used to lead a big investment company. This should be easy. But I will be telling a different speech! This is not about business.

It's about how God changed me.

"Papa! Si Kuya Noah!" Ang matinis at maliit na tinig na iyon ang umagaw ng atensyon ko. Here comes my two-year old daughter. She looks exactly like my Patricia. Beautiful angel. Ngunit nakasimangot ngayon.

"What did your Kuya do this time?"

Patakbong lumapit si Noah. "I protected her!" depensa naman nito.

Noah is growing too fast. He's now six. And he looks a lot like me.

"She's playing with a cockroach! It's dirty, Mysa. When it bit you, you're going to be sick!"

"It's a friend!"

Nagkatinginan sila ni Patricia at natawa.

"Come on, Meaghan Ysabelle," tawag ni Patricia sa anak namin. "Let's put some alcohol on your hands. Your Kuya Noah's right. It's dirty."

Umiyak na ang prinsesa niya. "But it's a friend!" pilit pa rin nito. "K-Kuya Noah stepped on it!"

"Because it's dirty!"

"It's my friend!"

Niyakap na ni Patricia ang anak namin at siya naman ay hinarap si Noah. "Thank you for protecting your sister. But maybe, you should have told her that cockroaches are dirty in a softer way. Don't you think, son?"

Napayuko ito. "Sorry, Papa."

Huminto na sa pag-iyak si Mysa. Noah kisses her little sister. "Sorry, Mysa. Tayo na lang ang friends."

Mysa smiled at her brother. "Okay!"

At naglaro nang magkasama ang dalawa. Nagkatinginan sila ng asawa.

"They are lovely," sabi ko. "Napapalaki mo sila nang tama. They obviously love each other," puri ko kay Patricia.

"Pinapalaki natin sila ng tama," sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. "Araw-araw kaming nandito kaya kasama ka sa pagpapalaki ko sa kanila."

"But you are doing the bigger part on this." Aminado naman akong mahirap maging ama kung nasa loob ako ng kulungan.

"You are teaching our children about Christ whenever they are here. Akala ko nga pastor ka na, eh," natatawang sabi pa ni Patricia.

Kinabig ko siya payakap at hinalikan sa pisngi. "Mahal... mamayang gabi, huwag mong kakalimutan."

"Para saan ba iyon? Tatanggap pa ba ng bisita sa gabi?"

Matagal ko nang plinano ang hinanda ko kagabi. Tinulungan ako ng mga kaibigan ko sa loob ng selda. At dahil hindi ako naghahatid ng gulo o nagpapasimuno ng kahit anong away dito sa kulungan ay malakas ako sa mga pulis. Naging kaibigan na rin namin sila lalo na kapag sabay-sabay kaming nagba-bible study.

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon