Kabanata 2

16.2K 487 87
                                    


Kabanata 2

Event


At dahil may event sa school at open gates, allow ang lahat na mag-civillian. Ni-text ko ang security team na maging alerto dahil maraming perverts ang nagkakalat sa school grounds ngayon.

Ni-check ko na rin ang mascot na susuotin ng isang representative, blue eagle at medyo malaki kaya kailangan n'ya ng subtitution incase na may mangyaring masama.

Nang nakaalis na ang mascot at ang sub sa harap ko para pumunta na sa baba at makisaya at pumasok na ulit ako sa SC room kung saan may isang taong ayaw makipaghalubilo sa baba.

Sumimangot ako at hinarap ang laptop, na-finalize na namin kung sino at saan sila nakatoka at heto ako ngayon, naaayos ng files ng mga gastusin at mga plano for the whole semester.

Nang natapos na ako ay sinara ko na ang laptop ko at nag-ayos ng buhok, I really have to join the event outside pero bago iyon ay kailangan ko munang icheck ang bawat room para masiguradong nasa baba na silang lahat.

"Where do you think you're going?" sa isang oras na pagsasama namin sa loob ng silid na 'to ay ngayon lang niya ako kinausap, umirap ako at hinarap siya

"I'll just check the rooms to make sure everyone's in the school grounds." sabi ko at lumabas na

Nang medyo nakalayo na ako sa SCR ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Tutulungan na kita." sabi niya at sumunod sa akin

"Let's split para mas mabilis, sa kabilang building ako habang ikaw naman dito." sabi ko kay Zeeyan at wala na siyang nagawa dahil umalis na ako sa harap niya. Nagmadali akong icheck ang bawat silid na madadaanan ko dahil excited na talaga ako sa event.

Iniisip ko pa lang ang maraming stalls ng mga pagkain, ang maingay na music at ang masasayang tao ay naeexcite ako! Kulang na lang ay itakbo ko ang hallway para mas mabilis akong matapos.

"Hi, Kuya!" tumigil ako sa paglalakad at binati ko ang bagong maintenance staff ng SCSU. Hawak n'ya ang remote ng mga aircons, siguro'y pinatay ang mga aircons ng bawat silid.

Awkward na ngumiti si Kuya sa akin at nagmadaling bumaba ng hagdanan.

"Wait lang, Kuya!" napatigil sa paglalakad si Kuya at humarap sa akin

"Ano 'yun, Tiara?" tanong niya, hindi nakatingin sa akin

"Nakababa na ba lahat ng estudyante sa floor na 'to?" tanong ko para hindi na ako magcheck

"Oo naman." sabi n'ya ng hindi nakatingin sa akin "O'sya, mauna na ako. May pinapagawa pa kasi sa akin." sabi niya at nagmadaling bumaba ng hagdan

Nagkibit balikat na lang ako at dumiretso sa powder room, nasa parehong floor parin ako at tahimik na kaya siguro na-check na talaga ni Kuya

Habang naghuhugas ng kamay ay may narinig akong nagsasalita, tumaas ang mga balahibo ko sa takot.

Dahan-dahan akong lumabas ng powder room para masigurado kung may narinig ba talaga ako or guni-guni ko lang.

"'Wag kang mayabang kung wala ka namang mapagyayabangan." kumunot ang noo ko nang may narinig akong nagsasalita galing sa dulong room. I'm sure it's not a ghost.

Nakabukas ang pintuan kaya rinig na rinig ko ang usapan nila

"Pasalamat ka at 'yan lang ang nakuha mo!" nanlaki ang mata ko at hinanap kung saang kwarto nanggagaling yung nagsasalita

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now