Kabanata 19

10.7K 369 18
                                    

Kabanata 19

Halik

Pinagamit ko kina Shaira ang aking kotse, gusto ko sanang samahan sila dahil lasing na sina Bianca at Karlie pero etong si Shaira ay pilit na pinagtutulakan ako kay Johansson.

"Sumama ka na sakanya! I will be okay!" iyon ang sabi niya at tinawag na si Johansson na may kausap.

"You sure?" tanong ni Johansson pagkatapos sabihini ni Shaira sakanya ang desisyon niya.

"Oo nga. Kaya ko naman, iiwan ko sa daan ang magsusuka!" parinig niya sa dalawa pa naming kaibigan na nakasandal sa railings, nakapikit na si Bianca pero nagagawa pang tumayo.

Tumango ako at binigay sa guard ang susi ng aking kotse para hindi na kailangan na buhatin ang dalawa patungo sa kotse. Hinintay naming kunin noong guard ang aking kotse at nang nakarating na ito ay binuhat na namin ang dalawa papasok.

"Take care, Tiara." makabuluhang sabi ni Shaira

"You take care." balik ko "Seriously, call me kapag nakauwi na kayo." sabi ko at nagpaalam na silang umalis

"Bye Guys!" binaba ni Karlie ang kanyang bintana para sabihin iyon, tumawa ako at kinawayan sila

"Let's go?" sabi ni Johansson nang tuluyan nang nakaalis ang tatlo

Tumango ako at sumunod papunta sakanyang sasakyan, medyo malayo iyon at pinipilit ko na lang na imaintain ang mukha ko kahit na gusto ko ng sumimangot dahil sa sakit ng paa ko.

Nasa likod niya ako at nang tumigil siya para hanapin ako sakanyang likod ay tumigil rin ako sa paglalakad. Ngumiti siya at binalikan ako, hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad ulit.

Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nang nasa loob na ako ay nanatili parin siya sa pintuan at titig na titig sa akin.

Nagtaas ako ng kilay at tinignan rin siya, if you want to play the staring game then I'm willing to do it with you.

Nanliit ang mata niya at nanatili paring nakatingin sa akin, sa huli ay ako ang nag-iwas ng tingin. If I don't stop...

Tumawa siya at hinawakan muna ang pisngi ko bago isara ang pintuan, pinanuod ko ang pag-ikot niya patungo sa driver's seat.

"Sa tingin mo magiging ayos lang sina Shaira?" tanong ko. Half of me says that it's right to lend them my car and the other half says that it might lead them to accident.

"Oo naman, she's not drunk. Sina Bianca at Karlie lang." tumango ako sa sinabi ni Johansson. Okay, I'm being paranoid. Shaira is a responsible driver, hindi siya gagawa ng bagay na magpapahamak sakanila.

Tumango tango ako para iconvince ko ang sarili ko na ayos lang ang lahat.

"Is it okay?" tanong ko pagkatapos kong buksan ang bintana ng kanyang sasakyan, I love the cold breeze during nights. Tumango siya kaya lalo akong ngumiti, binalingan ko ang bintana at pinagmasdan ang city lights. Kakaonti lang ang nakikita kong sasakyan, siyempre madaling araw na. May pick up pa akong nakita na may nakasakay na magkakaibigan sa likod at naghihiyawan.

Nang tumigil kami dahil sa traffic lights ay kinuha niya ang kanyang phone at niconnect iyon sa player ng kanyang sasakyan. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang narinig ko ang intro ng kanta.

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car

Agad kong inayos ang buhok ko na nagulo dahil sa hangin, why does it feel so accurate? Tila kay hirap lumunok dahil sa kanta, ang hirap pa niyang lingunin. Nanatili ang tingin ko sa labas at nagkunwaring normal lang sa akin ang lahat kahit na sobrang lakas na ng tibok ng puso ko ngayon.

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon