Kabanata 6

11.4K 404 34
                                    

Kabanata 6

Siomai

Dalawang linggong umabsent si Manong Carding, dalawang linggo na rin hatid sundo ni Johansson at lagi akong naabutan ni Mommy o di kaya ni Daddy na nakangiti pagkauwi galing school.

"Are you fine without your driver, Tiara?" tanong sa akin ni Daddy nang nagkasabay kaming mag-breakfast

"Of course, Dad." sabi ko at hindi ko alam kung bakit n'ya tinanong iyon

"Seems like you don't need one. I'm warning you..." defensive kong tinaas ang kamay ko

"Oh! Anong ginawa ko po?" natatawang tanong ko at binaba ang kamay ko

"Just tell him to go through me bago ka ligawan." halos mailuwa ko ang kinakain ko sa sinabi ni Dad!

"Daddy!" suway ko, kumuha ako ng napkin at pinunasan iyon sa bibig ko

"We are just friends and that was just a friendly gestures." sabi ko

"Just in case dahil papahirapan ko muna s'ya. Being a Johansson doesn't mean that everything is easy." umiling na lang ako sa sinabi ni Daddy at nagpatuloy sa pagkain.

Maya't maya ay bumaba na si Mommy na naka-bathrobe at galing pa sa shower. Wala si Ate at nasa kanyang condo pero ang sabi n'ya ay uuwi daw s'ya dito mamaya at susunduin n'ya daw ako.

White soft silk longsleeves, black skirt at black dollshoes ang sinuot ko, magpapasama si Ate sa Greenbelt para bumili ng mga bagong damit kaya ito ang sinuot ko.

"Bihis na bihis tayo, Tiara ah? May date?" tukso ni Maxxine pagkapasok ko ng student council room. Buti na lang at wash day ngayon kung hindi ay ma-ooffense ako, Nginuso n'ya si Johansson na nasa tabi ng bintana at may laptop sa harap, naabutan kong nakatingin s'ya dito at ngumiti s'ya nang nagkatinginan kami. Ngumiti rin ako pabalik, pagkatapos ng dalawang linggo ay ito ang unang beses na hindi n'ya ako sinundo.

"Stop it, Maxxine. May pupuntahan kami ni Ate Xena mamaya." sabi ko at umupo sa usual seat ko. Inasikaso ko ang mga papeles na nasa harap ko.

Umagang umaga, inaasar n'ya ako. Naging hobby na n'ya atang tuksuhin kaming dalawa ni Johansson kahit wala namang talangang mangyayari.

"What are you doing here, anyway?" tanong ko.

She's not part of the student council dahil ayaw n'ya ng dagdag trabaho, she don't usually go here. Ayaw nyang problemahin ang SCSU pero heto s'ya ngayon, mas maaga pang pumasok sa akin

"I'm avoiding someone so..." kibitbalikat n'ya at lumapit sa upuan ko

"Tutal wala naman akong ginagawa, tulungan na lang kita!" sabi n'ya at mabilis akong sumangayon

Dahil tinulungan ako ni Maxxine sa mga papeles ay natapos ko ito ng mas maaga. Nag-stretching ako dahil sa matagal na pagkakaupo habang si Maxxine naman ay panay ang tingin sakanyang phone

"Ano ba ang dahilan kung bakit nandito ka?" tanong ko sakanya

"Si Nathan kasi, susunduin daw ako." sabi n'ya nang nakatingin sa kanyang paa

"What? Sinundo kaba?" hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya. I know that Nathan's been hitting on Maxxine pero alam kong biro lang 'yun. He's known for being playboy pero pribadong tao, walang nakakasakay sa pinakamamahal n'yang sasakyan kaya nakakagulat talaga ang sinabi ni Maxxine.

Umiling s'ya. "Ayoko, that's why I'm here earlier than usual."

"What's wrong for a guy to pick a girl in their house?" napatingin kaming dalawa sa nagsalitang si Johansson. His laptop was closed and his attention are on us now while his eyes were looking at me as if he wanted to ask another question

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon