Kabanata 27

10K 328 8
                                    

Hindi alam ng mga kasama namin kung kanino sila lilingon, kung kay Johansson ba o kay Kaien na parehong bagong dating. Nakangiti si Kaien habang kinakausap ang kaibigan ni Owen habang si Johansson naman ay kinausap ang kanyang body guard bago ako lapitan. Nagtaas ako ng kilay, bakit sya narito? Akala ko ba ay abala sya sa Maynila?

Para akong lumulutang habang papunta sa kinakaroonan ni Johansson. Hindi ako makatingin sakanya dahil ramdam ko ang galit sa kanyang titig patungo sa aking likod, kung nasaan sina Owen at Kaien.

"Mr. Johansson!?" gulat na bigkas ni Mrs. Trinidad habang lumalapit sa amin, iniwan nya pa ang mga bellboy na nagbubuhat sa mga gamit namin

"Good morning, Mrs. Trinidad." pormal na sabi ni Johansson. Hindi na ako nagulat kung kilala nya ang manager namin

"Mabuti po at nandito kayo?"

"My girlfriend is here so kailangan nandito rin ako." aniya sabay sulyap kay Kaien na kausap sina Bianca.

Humugis "O" ang bibig nya pero agad nya rin itong tinikom, lumaki ang ngisi nya at papalit-palit ang tingin nya sa aming dalawa. Nahihiya akong ngumiti at kulang na lang ay magtago ako sa likod ni Johansson dahil pakiramdam ko ay pulang pula ako.

May lumapit sakanya na isa sa mga dala naming guards, may binulong at agad na tumango si Mrs. Trinidad sakanya.

"Maiwan ko muna kayo, may aasikasuhin lang ako." sabi nya at hinawakan nya ang balikat namin bago sinundan si Kuya.

"Zeeyan! Bakit ka nandito!?" mabuti na lang at nagtanong si Maxxine, papalapit na sya sa kay Johansson habang ako naman ay hindi makapagsalita sa harap ni Johansson. I'm still speechless that he's infront of me right now.

"Bakit, hindi ba ako pwede dito?" Ramdam ko ang titig nyang matalim sa akin kaya nakatingin na lang ako sa dala nyang Jeep Wrangler. May kasama syang driver na nasa kabilang pintuan kasama ang naka black polo shirt na sa tingin ko ay body guard.

Umiling si Maxxine at tumawa bago bumaling sa akin. Ano? Wala akong sinabing pupunta sya. Ang akala ko nga ay marami syang gagawin kaya hindi sya makakasama. Naaalala ko noong isang araw bago kami tumulak patungong Iloilo ay pinapanuod lang nya akong nag-aayos ng gamit sa Facetime, ni hindi man lang nya sinabing susunod sya!

"Hindi na talaga kayo mapaghihiwalay kahit isang araw, ano?" ngisi ni Maxxine bago binalikan ang mga kaibigan namin. Uminit ang pisngi ko at lalong nahiyang tignan si Johansson.

Are we that clingy na iyon ang iniisip ni Maxxine? Hindi naman kami palaging magkasama ni Johansson, tuwing umaga lang bago mag-umpisa ang klase at lunch break. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Maxxine ang ideyang iyon.

"Hi..." panimula nya at lumapit sa akin. Ngumuso ako, pagkatapos ng matalim mong titig ay iyan ang sasabihin mo?

Hindi parin ako makatingin sakanya kaya sya na mismo ang umangat sa baba ko para magkatinginan kami.

"I miss you..." ngumuso ako dahil hindi ko maiwasang hindi ngumiti sa narinig ko. Damn it! Simpleng salita lang nya ay ganito na ang epekto sa akin.

"Bakit hindi mo sinabing pupunta ka dito? Edi sana sumama kana sa amin."

"I want to surprise you pero ako ata ang nasurpresa." aniya at inangat ang tingin kay Kaien na tumutulong sa mga bagahe nila.

"Who's the Japanese? What's his last name?" agad ko syang sinapak sa iniisip nya. Alam kong may balak syang takutin ang pamilya ni Kaien, I don't even know his last name!

"'Wag ka ngang possessive dyan, I just met him. Kaibigan sya ng manager namin, si Owen." sabi ko at tinuro si Owen

"Tss... Possessive my ass. I just want you mine, only mine." natigilan ako sa paghinga ng naramdaman ko ang kamay nya sa aking braso at linapit ang kanyang bibig sa tapat ng aking tenga

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon