Kabanata 44

9.2K 295 60
                                    

Kabanata 44

Fiancee

Sa sobrang daming tao ay hindi ko alam kung saan lilingon, kung sinong kakausapin at kung paano ko hahanapin si Lauren at Dior.

I am not aware na may collection si Mommy for young adults at pagkatapos iyon ng mga bata. They are on the other side of the room, bigger area dahil mas maraming modelo at tao ang kakailanganin.

Pagkapasok ko sa backstage ay agad akong sinalubong ni Brenda ng maarteng beso at yakap pagkatapos ay binati ako ng mga nakakakilalang modelo at kanilang mga managers.

"What's your dress, darling? You look totally fabulous!" Ani Brenda at pinagsadahan ulit ako ng tingin. Ngumisi ako at sinabing isa ito sa design ni Mommy na pinasadya para sa akin, kaparehas ni Ate Xena para sa event na 'to.

"No doubt." Tumango-tango pa ito "Anong sadya mo dito? Do you finally want to model your Mom's finale gown?" Umiling ako, ang tinutukoy niya iyong pagtanong sa akin na magmodelo ng damit ni Mommy.

"I'm here for the kids." Sabi ko at pinagsadahan ng tingin ang malaking silid na puno ng busy na tao

"Oh... I will lead you."

Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang unti-unting nasisilayan si Lauren, she's in her high chair together with Dior. They are both playing with their toys. Malaki ang ngiti ng anak ko habang inaayos ang kanyang floral crown

"Ang ganda talaga ne'tong alaga mo." sabi ng bading na hairstylist kay Rose, tumango-tango ito at pinaypayan si Lauren

Nagpatulong si Dior na bumaba at pumunta sa grupo ng mga lalaking naglalaro, nainip siguro. Nadaaanan niya ako kaya bago siya dumiretso sa mga kalaro ay humalik muna siya sa akin at niyakap ako.

He's totally handsome with her long sleeves and vest, his hair is made up at ang kanyang rosy cheeks ay kay sarap kurutin. Alam kong paglaki ne'to ay mamomroblema kami ni Ate Xena sa mga babae niya.

Lalong lumaki ang ngiti ng aking anak nang makita ako sa repleksyon ng kanyang salamin, kumaway ako at tinabihan siya.

"You're so beautiful, baby..." sabi ko, binaba ang lebel para mapantayan siya. Humagikhik siya sa halik ko at hinalikan rin ako pagbalik sa pisngi

"Are you gonna watch me walk?" malambing na tanong niya

Balak ko sanang samahan siya dito sa backstage hanggang sa matapos siya sa pagrampa pagkatapos ay doon kami lalabas para makasama ang mga kaibigan ko.

"You're gonna watch me, right?" tumango ako, kung iyon ang gusto niya

"Is it okay to leave you later when you walk? So I can watch you outside." tinuro ko ang labas, pinapaintindi ko sakaniya na wala ako dito kapag maglalakad siya. Baka kasi hanapin niya ako at umiyak.

She pressed her lips together and nod, parang ayaw niya sa ideyang iyon pero titiisin dahil gusto niyang panuorin ko siya

"Don't worry, Yaya Rose and Yaya Percy are here... and Dior is also here." turo ko kay Dior na nakikipaglaro na, kasama si Percy.

Tumango-tango si Lauren at tinignan ang sariwang iba't ibang klase na bulaklak sakanyang buhok. She looks like the daughter of the goddess. Hinawakan ko ang dulo ng kanyang kulot na buhok, she's totally made for this. Rinig ko bago ako pumasok ang mga sabi-sabi kung gaano kaganda ang huling maglalakad at si Lauren iyon.

My only concern for now is her father. Her father has a big reputation in his industry now, the heir of a billion company, the first child and a successor. Ayokong madungisan ang pangalan niya dahil nakabuntis siya sa hindi niya dapat papakasalan.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now