Kabanata 8

11.4K 382 45
                                    

Kabanata 8

Set up

Nagpasalamat ako nang pumasok si Nick dahil may nakalimutan daw s'ya, tumayo si Johansson at bumalik na sa pwesto n'ya.

"Oh bakit namumula yang mukha mo?" inosenteng tanong ni Nick habang hinahalungkat ang kanyang desk.

Umiling ako at nakita ko sa gilid ng mata ko ang ngisi ni Johansson.

Anong nginingisi mo, Johansson? Damn!

Binilisan ko ang pagaasikaso ng mga gagawin, hindi ko na sinulyapan muli si Johansson. Hindi ko kaya...

"Aalis kana?" tanong ko kay Nick nang lumapit na s'ya sa pintuan. Kahit na alam kong aalis na sya ay tinanong ko pa rin, I just don't want to remain the silence inside of this room.

Tumango s'ya at nag-paalam sa aming dalawa. Tumikhim ako at naramdaman ulit ang tensyon sa aming dalawa. Hindi na ako nagtangkang tignan s'ya kahit na ramdam ko ang titig n'ya sa akin.

"Do you need help?" tanong n'ya, mabilis akong umiling. Hinilot ko ang gilid ng noo ko para magkunwaring seryosong nagbabasa kahit na paulit ulit lang naman ako sa isang paragraph.

Nang natapos na ako ay kinuha ko na ang bag ko at sinabit iyon sa aking balikat. Hindi ko parin s'ya sinusulyapan kahit na twenty minutes na ang nakalipas.

Mabilis akong lumabas at pumikit ako ng mariin nang narinig kong muling tumunog ang pintuan. Hindi ko s'ya nilingon, tuloy-tuloy ako hangang sa nasa harap ako ng elevator.

"I waited for you and this is how you repay me?" tanong n'ya

"Wala akong sinabing hintayin mo ako." sabi ko at nilabas ang phone ko, nitext ko si Maxxine at tinanong kung nasaan sila

"I know and it's killing me when you're not talking to me. Did I do something wrong?" Umiling ako, I just find it awkward...

Umiling ako at tumikhim. Kumapit ang hawak ko sa strap ng aking bag. Sabay kami hanggang sa pagpasok kaya ang laki ng ngisi ni Maxxine ng makita kaming dalawang sabay pumasok ng classroom.

"Iba na pala ang ibigsabihin ng "duties"." sabi ni Maxxine at sumabay sina Bianca sa pang-aasar sa akin

Umiling na lang ako at tumabi kay Shaira, ayokong dagdagan pa ang pang-asar nila kaya nilabas ko na lang ang aking libro at nagbasa.

"Ang ingay." bulong ni Shaira na nagbabas rin ng libro katulad ko. Liningon ko ang mga kaklase namin at doon ko lang napansin na magulo sila.

"Guys, keep your tone down. Paul!" saway ko sa kaklase naming lalaki na nagsisimuno ng ingay

"Okay, Vice." sabi ni Paul at ngumisi pa bago umupo sa kanyang assigned seat. Umiling na lang ako at umupo ulit.

Masama kong tinignan si Johansson dahil paniguradong narinig n'ya ang ingay kanina pero hinintay n'ya pang mapansin ko iyon. Nakatingin s'ya ng masama kay Paul na ngayon ay kausap ang katabi, siguro naiinis dahil sinuway na s'ya pero nakikipagdaldalan parin sa katabi n'ya.

May group activity na binigay at inassign kami by five, umupo ako kasama ng mga kagrupo ko. Ako, si Bianca, CJ, Mark at Paul ang magkakagrupo habang si Maxxine naman ay nakasimangot dahil kagrupo n'ya si Nathan. Nakinig ako sa instruction na binigay ni Sir Manaloto pero nahagip ng tingin ko ang masamang titig ni Johansson sa katabi ko.

"Paul." tawag ni CJ sa katabi ko at nagkwentuhan sila

"Tumigil nga kayo d'yan. Makinig kayo kay Sir." bulong ko sakanila kaya nanahimik sila at nakinig. Mabuti naman.

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon