Kabanata 30

9.6K 308 14
                                    

Kabanata 30

Hot Kiss

"Urgh!"

I give up! Sa ilang minuto kong namimili kung anong susuotin mamaya ay napahiga na lang ako sa kama.

Nagkamot ng ulo si Maxxine habang pinagmamasdan ang kalat sa kama namin habang iyong dalawa naman ay nakatingin lang sa akin, sila ang nagsasabi kung anong susuotin ko mamaya.

"Just go for the dress. He won't mind kung anong suot mo basta mag-date lang kayo." ngiting aso ni Maxxine habang tinitignan ang kaisa-isang dress na suot ko.

Tinaas niya iyon at sinuri. Nag taas ang kilay niya at sinulyapan ako, nag-iwas ako ng tingin. I know, it's too far from my taste, hindi ko nga alam kung bakit may ganyan sa maleta ko. I think si Ate Xena ang may pakana sa dress.

"It's revealing and I think Zeeyan will like it." sabi ni Bianca at tumango naman si Karlie

"How about this one?" tanong ko at kinuha ang halter top and denim shorts, sabay-sabay silang umiling at tinuro ang dress na hawak parin ni Maxxine

Bumugtong hininga ako at tinakpan ang mukha ko ng unan. Why is this so stressful!?

Napatalon ako ng tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag, mabilis akong umupo at hinanap ang phone ko sa kama kasama ang mga damit na pinagpipilian ko.

"Uhm hello?" natatarantang sagot ko

"I'm on my way to your suite, are you ready?" Napatayo ako sa sinabi ni Johansson, mabilis kong kinuha ang dress sa kamay ni Maxxine at dumiretso sa banyo para suotin iyon!

"Wait! Give me 20 minutes!" sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko mapigilang sumigaw. Narinig ko ang munting tawa niya.

"Don't stress yourself." aniya at nagpaalam na.

Dumugtong hininga ako at sinuot na ang dress. Hinarap ko ang salamin at sinuklay ang buhok ko.

The dress is okay, it's just... It has deep neckline that reveals my cleavage at hindi ko iyon gusto. This is Ate Xena's taste, not mine. 

"Bagay naman sayo ah." sabi ni Bianca pagkalabas ko ng banyo

"Hope that Zeeyan's not that conservative though." ani Karlie

"I'm sure he is pero wala na siyang magagawa." sabi ni Maxxine at nilapitan ako. Pinagsikop niya ang buhok ko at tinagilid ang ulo na para bang may iniisip.

"Bagay sa suot mo kung hati sa gitna at naka-ipit ang buhok mo." sabi niya at pinaupo ako sa kama.

Pinanood ko silang nagkakagulo sa paghahanap ng make-up at hair dryer. Si Bianca at Karlie ang nag-ayos ng buhok ko sa paraang gusto ni Maxxine habang siya naman daw ang bahala sa make-up ko.

"Actually, wala akong balak mag-make up." sabi ko habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ng banyo.

"You can't go bare face when you're with a Johansson. Lahat ng tao ay mapapatingin sa kasama ng isang Johansson. I bet even janitors know about him."

Pagkatapos ng ilang minutong pag-aayos, namangha ako sa ginawa ng mga kaibigan ko at habang nakatapat ako sa salamin ng suite ay biglang may kumatok.

Sumigaw si Bianca sa excitement at alam na namin agad kung sino ang nasa pintuan.

"Good evening, Zeeyan. Ang gwapo mo tonight." asar sakanya ni Karlie, ngumiti si Johansson at agad akong hinanap sa loob ng suite.

He looks incredibly handsome with his powder blue longsleeves, his hair is properly done and he looks so perfect for a girl like me. It's a relief that my friends forced me to choose this dress.

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon