Kabanata 33

8.5K 224 18
                                    


Kabanata 33

Surprise


Sa sobrang gulat ko ay pinatayan ko siya ng phone at pumasok na, totally ignoring his incoming calls. Nisilent ko iyon at pinatong sa coffee table bago pumasok sa bathroom. 


Habang naliligo ako ay panay ang katok ni Maxxine sa pintuan at alam ko na agad kung anong sasabihin niya


"Zeeyan's calling you!" sabi niya, kumakatok parin sa pintuan ko. Seriously, Maxxine? Paano ko bubuksan yan kung naliligo ako?


"Sabihin mo naliligo ako!" Tumigil siya sa pagkatok kaya nasisisigurado kong sinagot na niya ang tawag ni Johansson para sabihin ako sinabi ko


"Sorry daw! Anong  pinagusapan ninyo at mukhang masayang masaya siya Tiara?" Ayan nanaman, nagpatuloy parin siya sa pagkatok


Mabuti na lang at nasa banyo ako at hindi niya nakikita ang mga irap ko sakanya. Ewan ko sainyo!


Pagkalabas ko ay naabutan ko silang lahat na nakatutok sakanilang mga cellphone, checking and updating their social media accounts. Mabuti naman para hindi na ako intrigahin ni Maxxine tungkol sa 'Sorry' at tawa ni Johansson


Umakyat kami para kumain at nag-inuman ang iba habang ako naman ay gusto ng matulog. Nakakapagod ang lumangoy at mag-cliff diving. Bilib rin ako sa mga kaibigan ko, mukhang may energy pa silang uminom hanggang madaling araw.


Nilingon ko si Maxxine at Karlie na humikab, hudyat na pagod na sila. 


"Tara na sa kwarto?" anyaya ko at tumango sila pati na rin kay Bianca. Siguro ay ayaw niyang maiwan


Patayo na kami ng may pumasok sa restaurant, iyong grupo ni Yves. Nahagip ng paningin ko si Javier na malaki ang ngisi at kinawayan pa ako. Tinitigan ko lang siya at hindi sinuklian ang ngiti niya.


"Hi, Ate Tiara!" bati ni Azira na sobrang cute sakanyang braid


"Hello." kinawayan ko  siya at ngumiti kay Yves na mukhang naghihintay na tignan ko siya


"Oh? Aalis na kayo?" tanong niya ng nakalapit sa amin. 


Ang nakatalikod na si Nick at Owen ay napalingon ng marinig ang boses ni Yves. Nagbulungan sila at tumango naman iyong isa.


"Kaming mga girls lang pero yung mga boys mag sstay pa. Sina Mr. and Mrs. Ambrosio?" 


"Nagpapahinga na sa kwarto nila." Tumango ako at nagpaalam ng umalis


"Dito na kayo sa table namin!" anyaya ni Nick. Umiling na lang ako sa mga maiisip na kalokohan nina Nick at Owen mamayang kasama nila ang grupo ni Yves.


"Sana huwag sirain ni Nick ang reputasyon ng SCSU sa mga Archers." bulong ni Maxxine at hinila na ako paalis doon

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now