Kabanata 32

8.4K 254 17
                                    


Kabanata 32

Video Call

Panay ang banggit sa akin ng mga kaibigan ko na huwag ng alalahanin iyon pero hindi ko maiwasang mag-alala. I tried calling Johansson pero unattended, siguro ay nasa eroplano pa kaya hinayaan ko muna.

We are all preparing for the island hopping. I lazily lay in the bed while waiting for them, curling their hairs and putting make up and such, I think it's not necessary lalo na't maliligo naman kami sa dagat.

"It's for my blog." paliwanag ni Bianca at pinakita ang kanyang camera. Nagpaliwanag rin si Karlie na ipopost niya iyon sakanyang Instagram

I'm wearing a halter type of bikini, I wore a cover up just like my friends para kapag ready nang lumangoy ay iiwan na lang namin sa isang lugar.

May marahas na kumatok sa aming pintuan at alam ko na agad kung sino iyon, binuksan iyon ni Karlie at agad na binawalan sa kaingayan niya

Aniya'y nakakahiya daw kay Kaien na naghihintay sa lobby

"Asus pero kapag kami ang naghihintay sayo, lalo mong pinapatagal!" angal ni Karlie at tinawag na kami. Kinuha ko ang phone ko at nilagay sa transparent na lalagyanan para hindi mabasa, I want to leave it pero iniisip kong tatawagan ako ni Johansson kaya kailangan ko talagang dalhin ito.

May nakahanda ng yate at naghihintay na sa amin, ani Owen ay may tatlo kaming islang pupuntahan. Hunuli iyong isla na pwedeng mag-cliff diving, sinulyap ko ang phone ko. Mawawalan daw ng signal mamaya kaya ginawa ko iyong pagkakataon para itext si Johansson.

Ako:

We're island hopping right now, mawawalan daw ng signal. I'll text you again kung mayroon ng signal.

Ginawa kong positibo ang mensahe ko kahit na gusto kong dagdagan na sana kasama namin siya. Alam kong stressed na siya doon at ayokong magstress siya sa mga tanong ko.

Naglahad ng kamay si Kaien sa akin para makaakyat na sa bangkang unti uting umaandar, sa sobrang panic ko ay mabilis kong tinanggap ang kamay niya at sumakay na sa bangka. Panay ang picture nina Bianca kahit na nasa bangka kami.

"Tiara, smile!" inakbayan ako ni Bianca at pinicturan kami ni Karlie

"Join them, Kaien!" anyaya ni Karlie kay Kaien na tahimik na nasa likod namin

Gumilid ako para makita siya sa picture, nag pose kami at ngumiti sa camera, sumama rin sina Nick at Owen na katabi niya. Dahil madami kami ay nagsiksikan kami para makuha lahat sa picture, naiinggit yung dalawa kaya binigay sa kasama ng bangkero iyong camera para picturan kaming lahat.

Nasa magkabilang gilid ko si Bianca at Maxxine nang naramdaman kong may humawak sa braso ko, hinayaan ko na lang iyon at ngumiti.

Panay ang picture taking namin sa unang isla. Sabi ng bangkero ay malakas ang alon dito at pwedeng mag-surf kaso wala ata iyon, sabik pa naman si Nick na magpaturo kay Kaien na mukhang marunong mag-surf.

"Landi mo." rinig kong bulong ni Karlie kay Nick

"Inggit ka lang." natawa ako sa pag-uusap nila, hindi ko alam kung gusto ba ni Karlie si Kaien o nagseselos siya na napupunta ang atensyon ni Nick sa iba

Binigyan kami ng trenta minutos para manatili sa isla kaya nagpasya kaming libutin na lang iyon. Nakikinig ako sa kwento ni Maxxine tungkol sa mga dolphins na nakita niya noong nasa Hawaii sila nang sinulyapan ko ang phone ko, wala ng signal. Kanina pagkatapos kong isend ang mensahe kanina ay hinihintay ko ang reply niya ngunit walang dumating.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now