Kabanata 41

8.5K 256 45
                                    

Kabanata 41

Decision

Napakurap-kurap ako, hindi maproseso ang mga taong nasa harap ko. The guard told me about them pero hindi parin ako makapaniwala na nandito sila at may alam na narito ako.

"Welcome back!" Sabay putok ng party popper sa gilid ko. They are all smile as they show me the cake. It says 'We miss you, Tiara!' with crown designs. Ngumiti ako at may luhang lumabas sa mata ko

"Thank you!" Sabi ko at tinignan sila isa-isa. They are all present here. Karlie is wearing a sexy dress at halata sakanya ang pagpayat, Bianca na hanggang balikat ang buhok, si Shaira naman ay humaba ang buhok at pansin ko ang pagtanggad sakanya while Nick is looking so decent in his while polo na nakatanggal ang dalawang butones and Maxxine na nakangiting may hawak ng cake.

"We saw Maxxine's picture on Instagram. Nakakatampo! Hindi mo man lang sinabi sa amin na nasa Pilipinas kana pala!" gitgit ni Nick habang niyayakap ako ng mahigpit, tinignan ko si Maxxine na nakakagat labi at nasa batok ang kamay. She's guilty, siguro inassume niyang ayaw kong pagsabi sa mga kaibigan namin ang tungkol sa pagbabalik ko dahil sa nangyari pero napagtanto kong hindi ko kailangang magtago sa mga kaibigan ko. I trust them at sana ay rerespetuhin at miintindihan nila ang desisyon ko.

Pumasok sila ng maingay at nagtatawanan, namangha rin sila sa mga bagong furniture. Sinuway ko sila dahil natutulog na ang mga tao, tumingala ako para makita ang kwarto ni Lauren. It's ten in the evening at kanina pa sila natulog ni Dior dahil sa pag-swimming at kakalaro.

Tinikom nila ang bibig nila at dumiretso na kami sa kusina. Tinignan ko isa-isa ang suot nila, bihis na bihis at mukhang may pupuntahang party habang ako ay nakapangtulog na.

Inayos nila ang cake sa sentro at nilapag ang mga regalong hindi ko nakitang hawak nila. The gold ballonsare behind us na hinahawakan nina Karlie at Nick while Bianca is positioning the camera. We posed for a while and do some wacky pose.

"You'll party?" inosenteng tanong ko, siguro ay ngayon lang sila nagkita-kita dahil sa sobrang busy sa trabaho

"We'll party!" giit ni Karlie

"We planned a surprise party for your welcome back party, hindi na nga lang surprise pero atlease sinurprise ka na namin di'ba?" nakangising sinabi ni Shaira

"You can't say no, Tiara!" si Bianca

"Oo nga, don't be a KJ! Ngayon lang ulit tayo nagsama-sama ulit." si Nick na nagdadabog na sa gilid

"We reserved a table for your welcome back party tapos ididitch mo lang?" at kinunsyensya pa ako ni Karlie

We spent couple of minutes convincing me to go to that party kaya sa huli ay wala akong nagawa. Hindi sila titigil hangga't hindi ako napapayag at takot rin akong may magising sa taas dahil sa kaingayan ng pagpipilit sa akin.

"Okay, I'll just change." rinig ko ang pabulong na 'yes' ni Nick sa likod.

"We'll wait here, Tiara." sabi ni Maxxine at nagsimula ng mag-open ng topic tungkol sa mangyayari mamaya.

Tumango ako at dali-daling umakyat. Nakaligo na ako kanina kaya nagpalit na lang ako ng black off-shoulder dress na hapit sa katawan ko, I didn't put effort on my make-up dahil ayokong paghintayin sila ng matagal. I put my hair up and wear my high heel sandals. Grabbed my handy bag and put everything that is essential.

Si Maxxine lang ang nakapansin sa pagbaba ko, silang lahat ay abala sa pagtingin sa mga malalaking letratong sa sala.

"Ang bilis mo naman?" sabi ni Maxxine habang nilalakihan ako ng mata. I know what she's thinking, kasalukuyan nilang tinitignan ang letrato naming dalawa ni Lauren. No one's asking me about it dahil seryoso nila itong tinititigan, handa na akong sagutin ang mga tanong nila actually. I guess this is one of the steps to accept the people's reaction but they just turned their backs to the frames and scanned me from head to foot.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now