Kabanata 18

10.4K 388 13
                                    


Kabanata 18

Replies

Nang nasa Valkyrie na kami ay umakyat kami sa second floor para puntahan sina Maxxine na naghihintay sa amin kasama ang kanyang mga pinsan na galing ibang bansa.

Sa dami ng tao ngayon ay kinailangan pang tawagan ni Nick si Maxxine, I saw some foreigners that are looking at us, iyong iba pa ay niyaya kaming sumama sa table nila.

"No thanks, we are with someone." sagot ni Bianca sa Amerikano

"Oh that's bad news! Just let me know if there's none." sabi nung lalaki at kinindatan ako. Mabilis ko silang tinalikuran at puntahan si Nick na nakasandal sa glass railings kung saan makikita mo ang dancefloor sa baba.

Tinignan ko ang mga tao sa baba, kadalasan ay nasa kanilang table at kaonti lang ang nasa dancefloor. May ilang akong namumukhaan na alumna ng SCSU iyong iba naman ay mga artista o sikat sa social media.

We're in a legal age pero hindi parin ako sanay sa ganito, kapag may occasion lang kami nakakapunta sa The Palace. Si Nick lang itong pumaparty every weekend.

May naramdaman akong tumabi sa akin at sumandal rin, nagbuga siya ng usok sa kanyang sigarilyo at ngumiwi ako doon. Sinandya kong ipakita sakanya ang reaksyon ko para umalis siya pero ang nakuha ko ay ang kanyang ngisi bago tuluyang binaba ang sigarily. Inirapan ko na lang siya at hinarap si Nick na kausap parin si Maxxine sa cellphone.

"Let's go? Mukhang nakita ko siya sa kabilang side." sabi ko at hinila si Nick kahit na hindi ko naman talaga nakita sina Maxxine. Tinawag namin sina Bianca, Karlie at Shaira na mukhang kaibigan na ang mga Amerikano. I can see shot glass on Bianca's hand.

"Sorry to interrupt you guys but we have to go." sabi ko sa kanila at sinensyasan ang tatlo na umalis na.

"Tiara!" napalingon ako sa tumawag sa akin, si Maxxine na pinapalibutan ng mga pinsan niya. Agad kong nakita si Austin na may hawak na Hennessy, tumango siya sa akin at nagpalitan kami ng ngiti.

"Finally, we found you! Itong sina Bianca kasi-" natigilan si Nick nang nakita niya kung sino ang katabi ni Maxxine sa sofa. Iyong lalaking Amerikano na paniguradong pinsan ni Maxxine, naka-itim na muscle tee at grey shorts siya at may hawak na hard liquor.

"Oh my goodness..." bulong n'ya at umupo agad sa sofa

"Hi! I'm Nick Garcia. Are you Maxxine's cousin?" umiling ako sa kalandian ni Nick, ni hindi man lang siya naabala na nasa gitna nila si Maxxine

"These are my cousins, Alex, Lauren, Moriah and Austin, hindi ako nagsisinungaling ah!" tawa n'ya. Tumayo siya at umalis sa gitna nina Nick, pinakilala kami sa mga pinsan niyang half American. Todo ang ngiti niya at binabati ang dalawa pang pinsan na babae ni Maxxine at bumabalik rin ang atensyon kay Alex pagkatapos ng ilang segundo.

Pinagsadahan ko ng tingin ang mga liquor at pagkain sa table, may JD, Jim Beam at Baileys akong nakita.

Tahimik lang ako at nakikisama paminsan minsan sa mga tanong nila sa mga pinsan ni Maxxine.

"Ayusin mo naman yung tanong mo Shaira! Halatang may gusto ka dito kay Alex e." sabi ni Karlie nang nagtanong si Shaira kung girlfriend ba siya.

"Oh edi ikaw ang magtanong!" natatawang sinabi ni Shaira at uminom ng Jim Beam.

"Are you planning to stay here for good?" tanong ni Karlie

"We're here for a vacation since Austin and Maxxine are here. We also heard about Maxxine's boyfriend and we want to check him out." natatawang sinabi ni Lauren na may blonde hair at curvy na katawan

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now