Kabanata 9

10.9K 427 41
                                    




Kabanata 9

Zee...

"Ikaw ang nag-drive?" tanong ko nang pinatunog n'ya ang kanyang MUX

"Pinapunta ko sa lounge ang driver. Let's go?" sabi n'ya at sinara ang pintuan at pinatunog ulit ang kanyang sasakyan

Nasa likuran n'ya ako habang papasok ulit kami ng mall, sinusundan s'ya.

Tumigil s'ya sa paglalakad kaya tumigil rin ako.

"Tss." rinig kong bulong n'ya at humakbang papunta sa akin

Hinawakan n'ya ang kamay ko at naglakad ulit, this time nasa tabi n'ya ako at pakiramdam ko sa sobrang lapit namin ay nararamdaman n'ya ang kaba ko at ang tibok ng puso ko.

Hindi ako makatingin sa mga taong napapatingin sa aming dalawa, iyong iba naman ay hindi nahihiyang tumingin sa kamay naming magkahawak.

"Johansson..." pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko pero lalo lang n'yang hinigpitan ang hawak sa kamay ko

"No." sabi n'ya nang hindi man lang ako sinulyapan

Sa tangkad n'ya ay kailangan ko pang tumingala para mapagmasdan s'ya. Seryoso s'yang nakatingin sa harap, with his white longsleeves and black shorts you can't deny how handsome he is today and his hairstyle is to die for.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at bago pa s'ya lumingon sa akin ay binalik ko ang tingin ko sa harap.

Huli na ng maramdaman ko ang hiya, he's wearing a full smile when we saw our friends. Nasa loob ng coffee shop sina Maxxine, Nick, Bianca, Karlie, Shaira at may ilang kilala rin akong lalaki na kasama nila.

"Anong meron?" tanong ko ng nakalapit na kami sakanila

Malaking ngisi ang binungad sa akin ni Maxxine ng hinarap n'ya ako, unti-unting bumaba ang mata n'ya sa kamay naming dalawa.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na hinila ang kamay ko sa kamay ni Johansson. Dammit!

"Improving na ba, bro?" nagtawanan ang mga lalaking kasama. I didn't even know that they are close to Johansson.

Kadalasan kasi s'ya lang mag-isa at kaharap lagi ang kanyang laptop, he's not that type of person na pag-uusapan ang personal na buhay. I really don't have a clue na mayroon s'yang ibang kaibigan maliban sa amin.

Umupo s'ya sa tabi ng dalawang lalaki na sina Axel at Sage, they used to study in SCSU pero lumipat na ata ng La Salle nang nag-Senior. Anak ng mga business tycoon kaya siguro naging kaibigan rin Johansson.

Nag-high five sila sa isa't isa at pabirong sinuntok ni Johansson si Axel bilang sagot sa tanong n'ya. Uminit ang pisngi ko ng maalalang nakita nila na magkahawak kamay kami ni Johansson.

Tahimik lang ako habang maingay silang nag-uusap, nakipaglipat ng pwesto si Nick kay Bianca na katabi si Sage kaya bahagyang natahimik kaming mga babae dahil sa paglipat n'ya.

Tumahimik ang mga boys at sinundan nila ng tingin si Johansson na tumayo habang ako naman ay nanatili ang tingin sa lamesa kung saan ang mga order nila.

"Tiara..." lumipat ang mga tingin nila sa akin. Lumingon ako sa likod at tama ang hinala ko, nasa likuran ko s'ya at nakapatong ang kamay sa likod ng upuan ko. I can feel his hands on my shoulders.

"What do you want? Ako na ang mag-oorder sa'yo." ilang segundo bago ko naintindihan ang sinabi n'ya. Bahagya pa akong nag-panic sa pagpili ng order

"Just Raspberry Black Currant and Salad." sabi ko at binuksan ang wallet

"Keep your money, I'll pay for you." aangal sana ako sa sinabi n'ya kaso mabilis s'yang umalis patungong counter

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now