Kabanata 4

12.5K 416 19
                                    

Kabanata 4

The Mysterious Guy

Maaga akong pumasok ng SC room at nakita ko kaagad si Johansson na nakaupo sa harap ng laptop nya.

"Kanina ka pa dito?" tanong ko dahil napansin ko ang cup sa tabi ng laptop nya

"Good morning." imbes na sagutin ang tanong ko ay bumati sya sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"Good morning. Happy birthday pala kay Tito Adam." sabi ko ng hindi nakatingin sakanya

"Just greet him later." sabi nya at tumayo malapit sa may pintuan. Kinuha nya ang malaking paperbag doon at binigay sa akin

"Ano 'to?" tanong ko at tinignan ang loob. May limang itim na box sa loob

"Your masks." simpleng sabi nya

"Oh! Thank you, you don't have to do this." sabi ko at nag-iwas ng tingin. Sana talagang hindi na namin syang hinayaang mag-asikaso sa mga mask namin. Nahihiya tuloy ako

"It's okay, ayokong mamroblema kayo sa party ni Dad." aniya at tinalikuran na kami

Buong araw sa klase ay panay ang rinig ko ang tungkol sa party mamaya.

"Sinong mag-me-makeup sayo, Tiara?" bulong ni Bianca habang nakikinig ako sa teacher

She's still into the party

"Mom's makeup artist?" sabi ko dahil hindi ako marunong mag-makeup sa sarili ko and I guess it will be useless dahil naka-mask naman kami

"Ako rin, kailangang maganda ang makeup natin mamaya!" bulong nya bago ako tinantanan.

Kaya nang natapos na ang klase ay mabilis na nagpaalam sina Bianca para mag-ayos, magkita-kita na lang daw kami sa mansion ng mga Johansson kung saan gaganapin ang party.

Sinundo na rin ako ng driver at may natitira pa akong dalawang oras para mag-ayos.

Pagkauwi ko ay naabutan ko si Mommy na naka-bathrobe at mukhang kaliligo lang.

"Maligo kana, Tiara. Parating na ang mag-aayos sa atin." sabi ni Mommy kaya mabilis akong umakyat para makaligo na.

Nang natapos na akong maligo ay tinignan ko ang susuotin ko sa kama, I still can't belive the detail of my champagne jacquard dress samahan pa ne'to ang magarbong mask na mukhang pinasadya pa para sa dress na susuotin ko.

Galing sa kwarto nina Mommy ay pumasok ang makeup artist na mag-aayos sa akin. Inayos nya ang kanyang mga makeup kit sa tapat ng kama ko habang ako naman ay nakaupo sa harap nya.

Nang natapos ako ay sakto naman pagpasok ni Ate na naka-ayos na, sa tingin ko ay sya ang nag-ayos ng sarili n'ya

Namangha ako sa ginawa ng babae sa akin, light lang pero elegante tignan.

"Let's go?" tanong ni Ate na nasa kwarto ko parin. Tumango ako sakanya at sinundan sya sa sala kung saan naghihintay sina Mommy at Daddy

Konting picture lang sa tabi ng piano at tumahak na kami.

Nang nasa sasakyan ay doon ko pa lang nahawakan ang phone ko, hindi ko na napansin 'to kanina dahil busy.

May limang text na galing sa aking kaibigan at ang isa ang hindi ko inaasahan

Zeeyan Johansson:

Are you on your way?

Simple lang ang laman ng message nya at nakakapanibago, we usually don't text each other. Nag-tetext lang kapag may importanteng sasabihin tungkol sa school and I'm sure this is not important and obviously not about school

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon