Kabanata 28

11.4K 350 67
                                    




Kabanata 28

Bumagal ang sasakyan nang makita namin ang tatlong sasakyan, kasama na ang truck na nakahinto sa hindi kalayuan.

Suot na nila ang kanilang backpack at naglalagay na ng sunblock ang mga girls habang ang mga lalaki naman ay tumutulong sa paglipat ng laman ng truck sa malapad na kahoy ay may kalabaw sa unahan ne'to.

Tatlong kalabaw ang nakita ko at apat na taong moreno, na sa tingin ko ay magsasaka. May sumbrero sila sa kanilang ulo at tumutulong sa pagbubuhat. Iyong isa naman ay hinahawakan ang mukha ng isang kalabaw.

Sa tingin ko ay sila ang tutulungan namin, nakangiti silang apat at nagpapasalamat sa madadaanang manager.

"Naghihintay na po silang lahat para sa pagdating n'yo." rinig kong sabi ni Manong na sa tingin ko ay pinaka matanda sakanila. Siya siguro ang namamahala sa lahat. Ngumiti ako sakanila at tutulong na sana sa pagbubuhat kaso hinawakan ni Johansson ang bewang ko.

"I'll help, ikaw na sa mga bag natin." sabi nya at tinawag ang body guard para tumulong sa pagbubuhat.

Nag simula na silang magbuhat ng mga box kaya wala akong magawa kung hindi sundin ang utos nya. Ang kunin ang bag namin sa Jeep at lumapit kina Maxxine.

"Ang init!" reklamo ni Nick na todo sa paglagay ng sunblock. May nilabas pa syang isang bote at nilagay iyon sa kanyang mukha.

"How gay..." bulong ni Karlie, inaasar si Nick. Hinarap ni Nick si Karlie

"Ang sakit mong magsalita ah! You look more gay than me." naghalakhakan kaming lahat at nakisama sa amin si Kaien sa pagtawa.

Narinig ko ang boses nya sa aking likod kaya mabilis akong lumayo at tumabi kay Maxxine. I want this day to be peaceful and by doing that, kailangan kong lumayo kay Kaien.

Hinabol ni Karlie si Nick dahil sa sobrang pagkapikon.

"See? You can't catch me because your legs are too big to operate." asar niya kay Karlie

"Oh, tama na! Baka kayo ang magka-developan sa huli." asar ni Ate Xena kaya natigilan si Nick at nawalan ng gana.

"Kadiri naman kung ganoon, Ate Xena." sabi ni Karlie at tumigil na rin sa paghabol kay Nick.

"You suck, Nick. You're too gay to function." aniya, ginaya nya sa isang sa paborito naming movie.

Lumipad sa ere ang dirty finger ni Nick at kinausap ang natatawang si Kaien.

Nilingon ko si Johansson na buhay ang dalawang box. I'm sure those boxes are heavy pero wala sa mukha ni Johansson ang hirap. Sa lahat ay sya lang itong dalawang box ang dala. Nag-iwas ako ng tingin ng lumingon sya dito pagkatapos ilapag ang mga kahon. Those biceps, damn...

Nilagay na rin namin iyong mga bag namin sa taas ng mga kahon. Iniintriga ng mga iba iyong kalabaw habang ako naman ay abala sa pag-ayos ng buhok ko. Ayoko kasi na dumidikit ang pawis sa buhok ko kaya wala pa man ay itatali ko na.

Nakataas ang dalawang kamay ko ng lumapit sa akin si Johansson, tumagilid ako. Napatalon ako ng naramdaman ko ang daliri nya sa kilikili ko!

Nabitawan ko ang buhok kong iipitan ko na sana, tinignan ko sya ng masama pero tawa lang sya ng tawa.

"Alam ko na kung saan ang kiliti mo." he smirked.

"You didn't tickle me, Johansson. As you can see, ginulat mo ako kaya natural lang na ganoon ang reaksyon ko." inirapan ko sya bago tinalikuran

"Sungit... Let me try it." aniya at pinagsikop nya ang buhok ko.

Uminit ang pisngi ko sa ginawa nya lalo na't may natitigilan sa paglalakad para lang pagmasdan kami. Tinampal ko ang kamay nya para bitawan ang buhok ko ngunit naring ko lang ang tawa nya

Miss Always Rank #2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt