Kabanata 53

9.3K 241 54
                                    


Forgiveness

Tulala ako habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas, ilang minuto na lang bago kami dumating sa Manila. May kanya-kanyang mundo ang lahat; sina Maxxine na inaasar si Karlie sa crew ng private plane, si Kuya Carreon na mukhang may ikukwento kay Dior at si Ate Xena na nakikinig sakanila.

Pinagmasdan ko ang mag-ama ko sa aking harap, Lauren was sitting beside me earlier when she decided that she wants to sit on her father's lap and ask question about his work in Manila.

"Are you busy like Mommy? Do you have big stain house like Grandpa's?" napaisip ako sa pinagsasabi ng anak. Does she mean the factory and warehouses in Bulacan?

"You can say that but I will guarantee you that there's no work in our house."

"So... that means that Mommy won't be always with her lappy anymore?" biglang sumaya ang tono ni Lauren, tumingin ng masama sa akin si Johansson. Nagkibitbalikat ako, I'm not usually on my laptop, nattyempuhan lang ni Lauren na kapag gustong tumabi sa akin ay may inaasikaso ako.

Bumalik ang tingin niya kay Lauren at tumango ito pagkatapos ay sinuklay ang buhok gamit ang kanyang kamay, he kissed her forehead that made Lauren smile.

I can't help but also smile. Johansson created a dark, mysterious and dangerous image when we were young but all of those are gone whenever he's with our daughter. He never leaves her side, not just a second. It's either he's with her or watching her.

"What your house looks like, Daddy?" tanong ni Lauren pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa kanilang dalawa

"Our house..." he corrected. Nanliit ang mata ko para sakanya, nagtinginan kami at ngumisi lang siya at sinagot ang tanong ni Lauren!

Hindi ko parin makalimutan kung paano niya sinabi sa magulang ko na titira kami ni Lauren sakaniya. Though hindi na sila nagulat dahil nagpaalam na rin siguro si Kuya Carreon na sakanya na tutuloy ang mag-ina niya.

"Tito, is it okay if my family will stay in my house? My secretary and some housemaids will be there to get their things before we arrive." Nagulat ako sa pagiging straightforward ni Johansson sa harap ni Mommy at Daddy

Napalunok si Mommy at lumingon sa akin para ikumpirma ang narinig, tumango ako at hinantay ang sasabihin ni Daddy na umayos ng upo at sinarado ang dyaryo na binabasa.

"I expect to hear it from you pero hindi ganito ka-late, akala ko kahapon palang ay sasabihin mo na 'to sa amin." He chuckled which made me at peace, akala ko kasi ay hindi sila papayag sa gusto ni Johansson

Johansson smirked and looked at me. "Well Tito... I have to gain confidence bago ko sabihin kay Tiara."

"Is that the house you've been designing for years?" manghang sabi ni Daddy, tila hinahangaan si Johansson ng sobra-sobra.

"Yes Tito, I lived in a penthouse for years and I want to have a permanent house where my family can live." Daddy made a hearty laugh and tapped his shoulder while Mommy is looking at me like a puzzle she's determined to solve. I smiled to assure them that I'm fine with the setting.

"Of course it's okay with us! Just visit us often!"

"Yes Tito, pwede rin po kayong bumisita kahit kailan."

Gusto ko sanang pag-usapan ang tungkol kay Tito Adam at Tita Regina but they are too happy for the serious talk, tska na siguro kapag nasa eroplano na kami. Ayoko rin namang mabigla si Lauren sa lahat ng mangyayari, she may be the talk of the week and I don't want her to be stressed about it.

At ngayong nasa harap ko siya, ilang minuto na lang bago kami makarating sa maynila. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas, napansin niya siguro iyon kaya natigil sila sa pag-uusap at nanatili ang tingin sa akin.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now