Kabanata 20

10.7K 335 18
                                    







Kabanata 20

Avoiding

Nang dumating ang lunes ay wala ng bukambibig si Maxxine kundi si Nathan, nakikinig sina Karlie, Bianca at Shaira sakanya habang ako naman ay nakatuon ang pansin sa aking laptop. I heard about her stories last night noong tinawagan niya ako.

Napunta ang usapan sa practice ng mga sports activity, excuse sila kapag kakailanganin ng coach kaya tuwang tuwa sila. 'Di bale na daw na mapagod, 'wag lang mag-aral. Umiling ako at nakinig na lang sakanila habang inaayos ang mga files sa aking laptop.

Currently, may practice ang basketball varsity kaya wala si Nick ngayon. Nanunuod. Gusto nga niya akong isama kaso kailangan ko talagang tapusin 'to, sinasama niya rin si Maxxine kaso ayaw rin niya dahil ayaw niya daw maging "clingy" girlfriend.

"Bahala kayo! Aagawin ko ang mga boyfriends niyo!" sigaw ni Nick pagkatapos ay umalis na papuntang gym.

At dahil sa papalapit na Sports Festival, walang gaanong pinapagawa ang mga guro. Kung meron man ay seatworks lang iyon kaya sobrang saya ng mga estudyante. May iba namang guro na mag-ch-check lang ng attendance at agad kaming ididismiss.

Nagsisimula na ring magtayo ng mga booths, ang rason kung bakit walang practice ang mga volleyball teams dahil sa quadrangle nila iyon nilagay at doon sila madalas nag-prapractice. Mamaya ay kailangan kong tignan ang mga iyon isa isa para siguraduhin na wala silang nilabag na kondisyon.

May mga lumalapit sa amin para makipagkwentuhan, buti naman at hindi simusumpong si Maxxine ng pagiging maldita niya, napuno ang cottage na inuupuan namin sa bagong dating na mga kakilala. Nginitian ko si Andrew ng tinawag niya ako dahil ako lang daw itong hindi nakikinig.

Tinuro ko ang laptop para sabihin na may ginagawa ako, tumango naman siya at nakinig ulit sa kwento.

Pagkatapos ng ilang minuto ay sinara ko ang laptop ko at nilagay iyon sa aking bag.

"Oh saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Maxxine

"Ichecheck ko ang mga booths." sabi ko at tinuro ang patungong quadrangle

Tumango siya at tumayo na rin, nagpaalam siya sa mga kaibigan namin. Nagpaiwan ang tatlo dahil gusto daw nilang sumali sa naisip na laro nila, tumango ako at umalis na doon.

Habang naglalakad ay namataan ko ang isang lalaki na topless habang nakaupo sa ilalim ng puno. Kumunot ang noo ko at hindi nagdalawang isip na lapitan siya. Tinignan ko ang mga babae na napapapigil sa paglalakad dahil sa lalaki sa ilalim ng puno, nang nakita nila akong nakatingin sakanila at mabilis silang umaalis at tila nahihiya dahil nahuli ko silang nakatingin.

I crossed my arms when I was infront of him, pawisan siya at mukhang galing sa practice. Nagtaas siya ng kilay at ngumisi nang nakita ako sa harap niya.

"Vince." sabi ko

"Hi, Vice Pres." ngisi niya at umupo "What brings you here? Naakit ka ba sa katawan ko?" nandiri ako sa sinabi niya, I didn't manage to look down at his chest or abs.

"Why would I? You're inside the campus and that stupid show off is prohibited." sabi ko at tinaasan siya ng kilay. May ilang estudyante na lumalapit na sa amin para malaman kung ano ang nangyayari.

Hinila ako ni Maxxine "Let's go, isumbong mo na lang siya sa teacher." sabi nya pero binalewala ko iyon. I'm not a Vice President for nothing.

"Didn't know that this stupid show-off will be loved by many women. Aparently, mahigit isang oras na ako dito na ganito ang sitwasyon at walang nagreklamo, ikaw lang." sabi nya at tumayo, hindi ko binali ang tinginan namin. I want to show him that I'm not afraid.

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon