Kabanata 21

10.2K 314 11
                                    

Kabanata 21

Regina Johansson

Nakakunot ang aking noo habang iniintindi ang report na binigay sa akin, nawala lang ang konsentrasyon ko nang bumukas ang pintuan ng SC room at pumasok si Maxxine. Diretso ang tingin nya sa akin pagkatapos ay lumipat kay Johansson.

Nakatitig si Johansson sakanya, walang ekspresyon sakanyang mukha pero alam kong nagtataka sya kung bakit nandito si Maxxine. Nilagpasan nya ako at padabog na binagsak ang kanyang kamay sa lamesa ni Johansson. 'Di man lang gumalaw si Johansson sa ginawa ni Maxxine.

"Why didn't you tell me that your Mom is here since last week?" napaawang ang bibig ko sa narinig, I taught Mrs. Regina Johansson will be here by tomorrow?

Nagkibitbalikat lang si Johansson at binalik ang tingin sa kanyang laptop.

Palipatlipat ang tingin ko sakanilang dalawa. I don't know what's with Maxxine's reaction noong nalaman nya na nandito na ang kanyang Ina noong isang linggo.

Nagkibitbalikat ako at mabilis na tinawag si Maxxine. Nakakahiya sa mga iba na mukhang naistorbo sa pagdating ni Maxxine.

Mabilis na umangat ang ulo ni Johansson sa akin at mukhang nagulat dahil sa ginawa ko. Nagkatinginan kaming dalawa, I can see doubt on his face. Mukhang may sasabihin sya pero mukhang may pumipigil sakanya.

"Pwede bang ma-excuse ko muna si Tiara, Zeeyan?" tanong ni Maxxine. Nakita ko ang mabilis na pagtango ni Johansson sakanya at kasunod noon ay ang paghablot ni Maxxine sa akin palabas ng silid.

"What was that?" tanong ko habang hinahawakan ang pulso ko dahil sa sakit ng pagkakahawak nya sa akin

"You're excuse, right? Ano... Gusto mong mag-mall?" natatarantang tanong nya, pabalik balik rin sya sa pwesto nya

"Why? May pasok tayo." sabi ko kahit na wala naman talagang ginagawa

"Wala tayong ginagawa. I-i'm just devastated..." kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Because of who?

"Kaya samahan mo na ako, okay?" pagmamakaawa nya. Bumugtong hininga ako ng malalim bago tumango.

I'll do anything for my bestfriend lalo na't may pinagdadaan s'ya. I'll just resume my work tomorrow morning.

Sobrang saya ni Maxxine sa pagsang-ayon ko sa ideya nya, tinawagan nya sina Bianca na sa tingin ko ay nasa gym para sakanilang practice.

Lumukot ang mukha ni Maxxine nang katawagan nya sina Bianca at alam ko na agad na hindi sila pwede.

"It's okay, manunuod lang siguro kami ng sine. Babalik rin kami mamayang 6." sabi ni Maxxine, malipas ng ilang segundo ay pinatay na nya ang tawag at binalingan ako.

Tinawag na nya ang driver na magsusundo sa amin kaya papunta na kami sa gate 4 kung saan kami kukunin.

Tahimik lang ako sa tabi nya habang sya naman ay panay ang lingon sa paligid. Tumaas ang kilay ko sa kilos nya, she's hiding something...

I'm sure it's about Nathan, kaya nya siguro nasabi na devastated sya kanina. And I don't get the plot why she have to tell Johansson about his Mom kung ang problema naman nya ay ang tungkol kay Nathan.

And about Mrs. Regina Johansson... May alam kaya ang kanyang anak dito? By the look of his face when Maxxine told him about his Mom ay wala syang reaksyon. He knew it and yet, ako itong akala ko bukas pa darating.

Why did she come back so early? I'm pretty sure Mrs. Regina Johansson's friends doesn't know her arrival because of Austin's words yesterday. So it's stay hidden then?

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon