38

111K 1.8K 258
                                    


CHAPTER THIRTY-EIGHT

I should've known . . .


I grabbed our tray. "No pineapples? God, you're boring!"

"It's disgusting, little Ger. Not boring," he said, rolling his eyes.

"Hello? Sarap kaya ng pineapple! Wala ka talagang taste!"

We got in line to pay, and I was surprised by how efficiently it ran. Kadalasan sa mga kinakainan ko, palagi akong nakaririnig ng mga nagrereklamo na customer sa haba ng pila. Pero dito sa Martini's, grabe ang tiyaga ng lahat na maghintay sa pila.

"First time mo rito?" tanong sa 'kin bigla ni Dest nang mapansin niya ang pagmamasid ko sa paligid. Marahan akong tumango.

I caught my breath. This man's checking me out. He didn't realize I've caught him staring at me from time to time.

"Kinukumusta ka pala nina Dad," bigla niyang sabi kaya napangiti ako.

"Nasa'n sila ngayon?"

"Seattle."

"Wow. Nasa US na pala sila."

"Yeah. Dapat nga sasama ako sa kanila, but I stayed. I love working with Rey," he said, shrugging nonchalantly.

The lunch date went well. Marami siyang kinuwento sa 'kin, lalo na sa experience niya sa trabaho. I actually learned a lot, and masaya talaga ako para sa kanya dahil ang layo-layo na ng narating niya.

Habang nag-iikot kami, may nadaanan kaming bookstore kaya inaya ko siyang samahan ako sa loob.

Nagtingin ako ng mga libro at napansin kong nakatitig lang siya sa 'kin, pinagmamasdan 'yong bawat galaw ko.

"Ano?" taas-kilay kong sabi.

"Wala," sagot niya saka siya umiwas ng tingin.

"Ano nga?" tanong ko saka ko marahang hinila 'yong sleeves ng polo niya.

"It's just that . . . I still can't believe that we're finally dating, you know. I mean—Helix really had to die first before I got the chance to date you. And it feels wrong. I don't know. Basta pakiramdam ko, inaagawan ko 'yong kapatid ko," dere-deretso niyang sabi saka siya umiwas ulit ng tingin sa 'kin.

Hindi ko inaasahan na gano'n ang iniisip niya.

Hanggang ngayon pala talaga ay iniisip niyang nasa paligid pa rin si Helix. Pero hindi ko siya masisisi. He's been through a lot, all of us, too. But Helix was never selfish.

Napangiti ako saka ko hinawakan ang kamay niya.

"Helix is watching right now, Dest."

Muli siyang napatingin sa 'kin kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. "And sigurado ako, masaya siya para sa 'tin," dagdag ko pa.

Napataas ang kilay niya. "How can you be so sure?"

"Paulit-ulit ka kaya niyang nireto sa 'kin," natatawang sabi ko kaya natahimik siya bigla.

"Shit," he muttered.

Mas lalo tuloy akong natawa.

"Kaya pala lagi mo akong iniinis dati, kasi nagpapapansin ka," pang-aasar ko sa kanya hanggang sa namula ang pisngi niya at marahan niyang inalis 'yong kamay kong nakahawak sa kamay niya.

"It's embarrassing, little Ger. Don't you ever mention that again," banta niya pero mas lalo siyang namula no'ng isabit ko ang kamay ko sa braso niya.

"You loved me first, Dest. You loved me for a long time, and you've been selfless enough already. Now it's time to be selfish, don't you think?" pangungumbinsi ko sa kanya pero hindi siya umimik kaya mas lalo akong natawa.

"Movie date tayo?" aya ko sa kanya at napataas naman ang kilay niya.

"Gan'yan ka ba talaga maglambing? Kadiri ah," reklamo niya kaya irita akong bumitaw sa kanya.

"Uuwi na ako. Bwisit ka talaga," reklamo ko saka ko ibinalik sa shelf 'yong librong hawak ko.

Akmang aalis na ako pero muli akong napaharap sa kanya nang marahan niya akong hilahin.

Nag-init ang katawan ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko.

"Romance? Action? Mystery? Thriller? What do you want to watch?" tanong niya sa 'kin pero sumimangot lang ako at umiwas ng tingin.

Nakaiinis talaga siya kahit kailan. Tss.

Nang mapansin niya ang pagkawala ko sa mood ay marahan niyang iniharap ang mukha ko sa kanya. "Hey, I'm sorry," pabulong niyang sabi pero inirapan ko lang siya.

"Gan'yan ka maglambing? Kadiri ah," pagganti ko sa kanya kaya napakunot ang noo niya.

Para akong baliw na tawa nang tawa dahil sa reaksyon niya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid dahil sa lakas ng tawa ko pero wala akong pakialam.

I'm just so happy right now that I have finally met the love of my life.

Funny how long it has taken me to finally realize that the right person for me was right in front of my eyes all along. My heart had always been longing for him the first time I laid my eyes on him at the bookstore, and I should've known.

"Let's go home and watch movies all day," nakangiti kong sabi saka ko siya hinigit palabas ng bookstore.


~

T I A N A V I A N N E

She Crossed That BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon