02

167K 2.4K 236
                                    


CHAPTER TWO

You know I won't stop.


"Full slot na? Hindi puwede. Please naman pakigawan ng paraan. I really need to be in Architect Ressler Morris' class," pakiusap ko sa Registrar.

Kumunot ang noo niya. "Hindi ko puwedeng ipilit ang pangalan mo. Puno na sa klase ni Architect Morris, hija. Sumusunod lang ako sa patakaran namin dito," mahinahong pagpapaliwanag niya sa akin. Napabuntong-hininga ako.

Dahil ako si Tam, hindi ako puwedeng sumuko.

"Can you give me the students' list na lang? 'Yong mga students na nakapag-enroll sa subject niya. Just give me their names and I'll handle it," nakangiting sabi ko.

Napasapo na lang siya sa noo. "Sige, dahil napakakulit mo," stressed na sabi niya at saka niya binigay sa akin ang listahan. I took a picture of it and then binalik ko na agad sa kanya 'yong listahan.

Inisa-isa kong i-chat sa Messenger ang mga pangalang nakuha ko. Take note, pare-parehas lang ang chat ko sa kanila. Copy-paste lang naman katapat niyan.

Hi! Puwede makipagpalit sa 'yo ng section? Kahit sa subject lang na Theory of Architecture. Please?

Sa ibang section kasi ako enrolled, hindi doon sa klase ni Ressler. Siyempre hindi puwede 'yon dahil una sa lahat, nag-enroll lang naman ako sa Architecture para sundan siya. I graduated in college two months ago. Medtech ang una kong program and pinagtiyagaan ko lang 'yon tapusin dahil iyon ang gusto ng parents ko. They even forced me to go to a med school after no'ng graduation ko pero hindi ko na kayang magpakontrol sa kanila kaya pinaglaban ko na hindi ako tutuloy ng med school.

I'm a second courser. It means I have already earned one degree. Mag-aaral lang ulit ako ng ibang course or program kahit na tapos na talaga ako sa college. You may think of me as a crazy person na nakaraos na nga ng college tapos gusto pang mag-college ulit para maghirap sa panibagong program. Sure, call me crazy. But I'll do anything for Ressler. Hindi ko na nga siya nasundan no'ng college, kaya gagawin ko lahat para masundan siya ngayon kung saan siya nagtatrabaho.

While drinking iced coffee, finally may nag-reply na sa akin.

Sarah Velasco
Hi! Sure. Naghahanap rin ako ng kapalitan actually. Ayaw ko sa class ni Sir Ressler, mas prefer ko sa class ni Ma'am Chela. Kay Ma'am Chela ka ba napunta?

Agad kong tiningnan ang sched ko and halos mapatili ako sa tuwa.

Yes! Kay Ma'am Chela ako napunta. Kita na lang tayo ngayon sa Registrar para maayos natin sched natin. Thank you!

Nagmadali akong bumalik ng campus para ayusin ang sched ko. And all I can say is—sobrang worth it ng effort ko dahil, finally, enrolled na ako sa klase ni Ressler.

* * *

Grabe, first day pa lang feeling ko mamamatay na ako.

Ganito ba talaga sa kursong Architecture?

First day pa lang, nagpaulan na agad ng plates. Although puro skills test lang naman 'yon, nakaka-pressure pa rin kasi sobrang husay ng mga kaklase ko.

"Hi, good afternoon. BSAR-1B, right?" he asked pagkapasok na pagkapasok niya pa lang doon sa pinto. Agad na nag-init ang pisngi ko nang makita ko siya.

"Yes, Sir! BSAR-1B po ang class na 'to," sagot no'ng isa naming kaklase.

"Alright," Ressler said, putting his laptop and projector on the table.

He's wearing a black polo and white slacks. Bagay sa kanya. Ang lakas-lakas ng dating niya.

I heard my classmates talk about how hot and handsome he is. I rolled my eyes. Sa akin lang si Ressler. Huwag niyong masyadong titigan.

Busy siya mag-set up ng projector habang ako, busy sa panonood ng bawat galaw niya.

"I know you hate introducing yourselves but I need to know you one by one. So please, do the honor," panimula niya. "Who wants to go first?" dagdag niya pa. Agad akong nagtaas ng kamay at nang mapunta sa 'kin ang paningin niya ay napataas ang kilay niya.

"What are you doing here, Tam?" tanong niya kahit alam niya naman ang sagot.

I grinned ear to ear, not answering his question saka ako tumayo sa harapan ng klase. "Hi, I'm Tamara Mikeil R. Sanchez, 21 years old, a second courser. I'm a graduate of Medical Technology, and I'm now pursuing Architecture because . . ." I trailed off, glancing at him. "...because of someone," nakangiting sabi ko saka ako bumalik sa upuan ko. Nagpalakpakan sila at rinig ko ang usap-usap nila na namamangha sila sa akin dahil graduate ako ng Medical Technology.

Pagkatapos magpakilala ng lahat ay huling nagpakilala si Ressler through his Power Point presentation.

He graduated college three years ago, finished his apprenticeship one year ago and also became a Licensed Architect one year ago. Ganoon siya kagaling at katalino. He's 23 years old. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon.

Nagbulungan na naman ang mga kaklase ko. Si Ressler daw ang pinakabatang instructor dito sa Vera University. Hindi na ako magugulat sa balitang iyon dahil hindi na bago sa 'kin ang husay at talino ni Ressler.

Siyempre, buong oras ng klase niya ay ang lapad-lapad ng ngiti ko. Siya lang ata 'yong hindi nagpagawa ng plate ngayong araw na 'to. Ayaw niya yata akong mapagod. Just kidding.

Nang matapos ang klase niya sa amin, naglabasan na ng classroom ang mga kaklase ko pero nanatili akong nakaupo sa upuan ko at hinintay na makaalis silang lahat saka ako lumapit kay Ressler.

"Hi, Sir."

Kalmado siyang tumingin sa akin. Gusto kong matawa dahil alam kong hindi siya komportable sa pagtawag ko sa kanya ng Sir.

He cleared his throat and looked at me directly in the eye. "Look, Tam. If you're here because of me, 'wag mo na lang ituloy. You're wasting your time. You should be in med school right now."

"Of course, I'm here because of you, Sir. But it's not just because of you." I paused, giving him the sweetest smile I can ever give. "I want to explore. Hindi ko pa rin kasi talaga alam kung ano talagang gusto ko. Ang alam ko lang, ayaw ko talagang maging doctor."

"Fine. But please, stop—"

"Stop what, Sir?" putol ko sa sinasabi niya.

He clenched his jaw and avoided my eyes. "Stop bothering me."

I let out a small laugh. "You know I won't stop."

Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy niya na ang pagligpit ng mga gamit niya. Ugh. Can't he just give me his full attention for once?

Rolling my eyes, I hissed silently. "Architect Adam Ressler C. Morris," I called him.

Finally, his eyes are on me, again.

"I'll make you mine. I promise."


_____

Tiana: Grabe si Tam. Hindi ko alam sa'n galing energy niya mag-arki after niya magmedtech. Haha!

Smile For Me, ResslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon