49

46.4K 986 112
                                    


CHAPTER FORTY-NINE

God, please. Let me live.


Tamara

"Mommy! When will Daddy wake up?" tanong sa 'kin ni Ram habang sinusubuan ko siya ng sandwich.

"He'll wake up soon, baby. Kaya dapat habang wala siya, magpalakas muna tayo ng katawan. Okay?"

"Okay, Mommy!"

Pagkatapos ko siyang pakainin ay iniwan ko na siya muna kay Manang. Maya-maya ay dumating na si Zild at inalalayan ako pasakay ng kotse niya.

"Thank you, Zild," nakangiting sabi ko sa kanya pagkadating namin sa rest house nila Marcus sa De Grande Town.

Nang makita ko sila Brook ay agad nila akong niyakap. Mukhang 'di rin nila kasama ang anak nila at iniwan muna nila sa bahay nila.

"I missed this place," nakangiting sabi ko. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagpupunta dito. Una at huling punta ko pa kasi dito ay no'ng first year kami sa Architecture.

"Zild! OMG! Lalo kang gumaguwapo? Bakit ba si Marcus ang nakatuluyan ko?" iritang sabi ni Brook kaya tiningnan siya ng masama ni Marcus.

Humalakhak naman si Zild. "Guwapo naman si Marcus ah?" singit ko.

"Kaya sa 'yo ako eh, Tam," masiglang sabi ni Marcus saka niya ako inakbayan.

"Sinong nagbabantay ngayon kay Ressler?" tanong ni Brook habang nag-aayos kami ng mga lulutuin sa kusina.

Napakabagal kong kumilos dahil hindi naman na ako kasing lakas ng dati, kaya inagaw ni Brook ang mga gulay na hawak ko at siya na ang nag-asikaso.

"Si Jezra. Ayaw ko nga sana iwan si Ressler do'n, but she insisted to stay with him. Lumabas muna raw ako kasama kayo para hindi lang daw sa ospital umiikot mundo ko. And isa pa, birthday ko naman daw kaya dapat daw na mag-enjoy muna ako," pagkukwento ko. Naiintindihan ko naman si Jezra, pero sa ganitong sitwasyon na hindi pa nagigising ang asawa ko ay hindi ko alam kung paano ako mag-e-enjoy.

"Gusto ko siyang maka-bonding! Sa mga kwento mo ay mukhang mabait talaga si Jezra."

"Sobrang bait, Brook. Maldita na tayo sa lagay na 'to," natatawang sabi ko.

"Mahal ka pa rin ni Zild 'no?" biglang pag-iiba niya ng topic kaya tipid akong ngumiti.

"Grabe, Tam. Tagal na eh! Dami nang nangyari. Pero nasa tabi mo pa rin siya. Hindi siya umalis."

Bakas sa mukha ni Brook ang lungkot para kay Zild. Alam ko naman 'yon, na mahal pa rin ako ni Zild. Hindi ko nga rin alam kung bakit sa dami ng babae sa mundo, ako pa talaga ang minahal niya.

Pinagmasdan ko si Zild na nakikipagkwentuhan kay Marcus sa labas.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko para sa kanya. Imbis na may pamilya na siya ngayon na nag-aalaga sa kanya, nandito siya sa tabi ko, inaalagaan ako.

Lumipas ang buong araw, naggala lang kami sa De Grande Town. Pagbalik namin sa rest house ay may isang magandang babae na bumungad sa 'min. May dala-dala siyang malaking box at agad siyang kumaway sa 'min.

"Oh. She's here," sambit ni Marcus kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

Pagkalapit namin doon sa babae ay agad niyang ipinatong sa lapag ang box na dala niya.

"Everyone, meet NM," pagpapakilala sa kanya ni Marcus. Agad namang inilahad ni NM ang kanyang kamay at malapad na ngumiti.

"Hi. Ako si Nayoung Mo," pagpapakilala niya kaya agad kaming nagkatinginan ni Brook at sabay na tumawa.

"Broken ka, sis?" tumatawang sabi ni Brook kaya pati sila Marcus at Zild ay natawa na rin.

"NM na lang. Sabi na eh, tatawanan niyo pangalan ko," natatawang sabi niya. Bahagya siyang natigilan at tumitig sa 'kin.

"You're Tam, right? Ang ganda mo pala talaga lalo na sa personal 'no?"

Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Marcus introduced your husband to me three months ago. I'm a painter, and Ressler was my client. He told me to give this to you on your birthday. Marcus actually informed me that you'll be here, celebrating your birthday."

Nang marinig ko 'yon ay kusang lumundag ang puso ko.

Nakangiti kong tinanggap ang regalo at nang tingnan ko ang birthday card na nakadikit dito ay agad na pumatak ang luha ko.

Happy 28th birthday, Tam. More birthdays to come, please. I want to be with you until your 80th birthday.

Kusa akong napaluhod at walang tigil na umiyak. Sunod-sunod ang paghikbi ko at halos habulin ko ang sarili kong hininga. Ang sakit isipin na imposibleng matupad 'yong hiling niya para sa 'kin.

Ressler deserves to be loved.

Ressler deserves to be happy.

God, please. Let me live . . .


_______

Tiana: The desperation of Tam. Her will to live. It's soooooo heartbreaking. :(

Smile For Me, ResslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon