08

64.1K 1.2K 69
                                    


CHAPTER EIGHT

Familiar


"So, pinsan mo si Ressler?" I asked, nodding my head because everything made sense.

"Yeah," he replied, opening a can of beer and gave it to me.

We're in a convenient store near our house. Umalis kasi kami kanina doon sa party. Buti na lang, pumayag si Zild na ihatid ako dito dahil hindi ko alam kung paano aalis doon kanina. Nag-e-enjoy rin kasi si Kuya kanina sa party, eh hindi naman ako nagdala ng sarili kong sasakyan dahil kay Kuya ako sumabay kanina.

I watched him eat his cup noodles at agad niya akong tinaasan ng kilay. "Ginawa mo na nga akong driver, sinamahan na kita dito, hindi mo pa rin sinasabi sa 'kin pangalan mo," he complained.

I chuckled. "I'm Tam."

I was about to drink the beer but he stopped me. "You should eat first. Hindi ka naman kumain kanina do'n sa party," umiiling na sabi niya saka siya tumayo at bumili ng pagkain sa loob.

Pagbalik niya dito sa labas ay nilapag niya sa harapan ko ang dalawang siopao kaya agad ko siyang inirapan. "Dalawa talaga?"

"Malay ko ba kung matakaw ka," kibit-balikat niyang sabi saka siya tumawa.

"You didn't give it to him?" he asked, pointing his finger to the gift I was supposed to give Ressler.

Hindi ako sumagot. Naalala ko na naman kung paano niya titigan 'yong Chela kanina.

Bigla niyang kinuha 'yong regalo kaya nanlaki ang mata ko at pilit kong inaagaw sa kanya 'yon pero masyado siyang malakas.

"Happy birthday, Ressler. It's been seventeen years but I still like you and I love you even more each day. Lagi kitang nireregaluhan kapag birthday mo pero ni isa wala kang tinanggap kaya ngayon ang gift ko sa 'yo ay 'yong ako mismo ang gumawa. Para magdalawang isip ka kung sasayangin mo ba," pagbasa ni Zild sa letter na nakadikit doon sa regalo.

Inis kong kinain ang siopao habang nakatingin sa kanya. Napakapakialamero ng lalaking 'to. "Wow," hindi makapaniwalang sabi niya pagkatapos niyang basahin 'yong hindi niya naman dapat binabasa.

"So you've never had a boyfriend?" he asked. I didn't answer. Aasarin niya lang ako pag sinabi kong hindi pa ako nagkaka-boyfriend.

"Bakit hindi mo 'to binigay sa kanya kanina? Nando'n siya sa kuwarto niya kanina kasama girl frie— ah. Okay, gets ko na," parang baliw na sabi niya.

My eyes widened when he started opening the gift.

"Hey, stop!" pigil ko sa kanya pero huli na ang lahat. Nakain niya na 'yong cupcake.

"This will probably go to waste if you'll just throw it away, and mas sayang lang kung sa kanya mo pa rin ibibigay," nakangiwing sabi niya habang nginunguya niya 'yong cupcake ko.

I let out a very long sigh. May point siya.

Hinatid niya rin ako pauwi. Buti na nga lang nag-initiate siya, kasi 'di ko rin alam paano ako makakauwi nang hindi ko dala 'yong sasakyan ko.

"Thanks for tonight, Zild," tipid na ngiting sabi ko.

"Pahinga ka na," bilin niya sa 'kin saka siya bumusina bago tuluyang umalis.

* * *

"Papasok ka na?" tanong ko kay Kuya na nagsusuot ng sapatos sa sala.

Agad siyang tumango. "Kain ka na lang. Nakapagluto na ako," bilin niya.

Hindi ako umimik at pupunta na sana sa kusina pero natigilan ako nang magsalita ulit si Kuya.

"Where were you last night?"

Great. Nakalimutan kong magpaalam sa kanya. Pero ayaw ko naman talagang sabihin sa kanya kung ano'ng nangyari.

"Sumama pakiramdam ko kaya umuwi na ako," pagsisinungaling ko.

"Sana nag-text ka sa 'kin na nakauwi ka na." Bakas sa boses ni Kuya ang medyo pagkainis niya sa akin.

"Sorry. It won't happen again," kagat-labi kong sabi. Ayaw ko kasing nagagalit sa akin si Kuya. Hindi niya ako kinikibo nang matagal kapag nagagalit siya.

"It's fine. Buti na lang sinabihan ako ni Zild na naihatid ka na niya pauwi."

Natigilan ako. What the? Alam niya? Eh bakit niya pa 'ko tinanong?

"Kilala mo si Zild?" gulat na tanong ko.

"Of course. Pinsan siya ni Ressler. Pero 'di kami gaanong nag-uusap. Narinig niya lang kagabi na hinahanap ka namin kaya nabanggit niya na hinatid ka na niya pauwi. Bakit pala magkasama kayo kagabi?" seryosong tanong sa akin ni Kuya kaya napalunok ako.

"Nagkataon lang."

Tumaas bigla ang kilay niya.

"Ressler introduced her girlfriend last night at the party," pagkukuwento ni Kuya kaya sumama na naman ang timpla ng mukha ko. "She's also an architect," dagdag pa ni Kuya kaya inirapan ko siya.

"Hindi ako interesado sa kanya," singhal ko.

"I think you might be interested if I tell you that she's also an instructor at Vera University."

Nanlaki ang mata ko at napatitig kay Kuya.

Naalala ko na.

Kaya pala familiar ang name niya. Siya 'yong dapat na instructor ko sa THEA pero nakipagpalit ako ng schedule para mapunta sa klase ni Ressler.

"Now, you still want to study Architecture?"

I don't know what to respond or what to do anymore . . .

Smile For Me, ResslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon