36

44.3K 1K 159
                                    


CHAPTER THIRTY-SIX

In his eyes, I can see hope.


Nakatitig lang ako kay Ressler habang abala siyang nakaharap sa laptop niya.

Ngayon ko na lang ulit siya nakita ng ganito, 'yong matagal. 'Yong buong araw.

Pero kahit buong araw kaming magkasama, hindi niya ako kinakausap. Kinakausap niya lang ako kapag kailangan, kapag may pumapasok dito na nurse para i-check ako.

I couldn't blame him for the cold treatment he's been giving me. I know it's a lot to take. Hindi naman gano'n kadaling tanggapin agad na may leukemia ako. Kahit ako, ilang taon bago ko natanggap. Sa totoo lang, hindi ko pa talaga tanggap.

Pinakiusapan ko si Ressler na 'wag munang sabihin kila Kuya Kylo at sa mga kaibigan ko ang tungkol sa sakit ko. Pero alam ko, malalaman at malalaman rin ng kapatid ko na may sakit ako lalo na't nakita niya 'yong ulo ko no'ng nakaraan.

Sinubukan kong tumayo para magpunta ng CR. Naramdaman ko ang mga matang biglang tumingin sa 'kin.

Nang lumingon ako sa kanya ay nagtama ang mga mata namin.

"Need help?" tanong niya. Parang biglang kumirot ang puso ko dahil sa lamig ng pananalita niya.

If it was the old Ressler, lalapitan niya agad ako at aalalayan kahit hindi ko sabihin. Kahit hindi niya tanungin. Kahit nga lagnat lang, grabe siya mag-alala sa 'kin dati. Kulang na lang buhatin niya ako kahit saan ako magpunta. Pero ngayon, tinanong niya pa talaga kung kailangan ko ng tulong niya.

Bakit nga ba ako apektado? Ako naman ang may kasalanan kung bakit ganito niya ako itrato.

"I can handle," sagot ko saka ako tipid na ngumiti.

Ibinalik niya ang tingin niya sa laptop at saka niya itinuloy 'yong ginagawa niya. Sigurado akong busy siya mag-autocad. Knowing him, lagi siyang inuulan ng projects. Madami kasi talagang client si Ressler dahil kilala siyang isa sa mga pinakahusay na architect dito sa Vera. Kahit sa ibang lugar ay matunog rin ang pangalan niya, lalo na sa Realgorez at De Grande.

Nang makarating ako sa pintuan ng CR ay medyo nahirapan pa ako dahil sa suwero ko.

"Let me help you," a voice behind me said. Bahagya akong nagulat. I didn't notice him standing next to me.

"O-Okay," nag-aalangan ko pang sagot. Hinayaan ko siyang tulungan ako hanggang sa loob.

Pinatalikod ko pa siya bago ko gawin 'yong mga dapat kong gawin dito sa loob. Nang matapos ako ay inalalayan niya na ulit ako palabas hanggang pabalik sa higaan ko.

"Thank you," I said, flashing him a small smile. He just nodded and went back to the couch. "You can go home now, Ressler. Marami ka pa yatang trabaho. Saka walang kasama si Ram," sambit ko kaya muli siyang napatingin sa 'kin.

"Since when did you care about my son?" he scoffed. His eyes flashed with anger and resentment.

I stayed silent. He's still mad at me, I know that. Wala ako sa lugar para mag-alala sa kanya o kay Ram.

"You know what? You're right. I should go home. I know you can handle yourself. You did it really well for the past few years," he said, shrugging nonchalantly as he picked up his things and put those in his bag.

I already expected he would say that.

I didn't respond. Hinintay ko na lang siyang matapos mag-ayos ng gamit niya saka siya umalis nang hindi lumilingon sa 'kin.

Smile For Me, ResslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon