24

55.4K 1.1K 57
                                    


CHAPTER TWENTY-FOUR

Again and again and again . . .


"Back to normal," umiiling na sabi ni Marcus habang busy kami makinig sa bagong instructor namin. Iba na ang instructor namin sa ibang mga major subjects namin, eh. Medyo naninibago pa nga kami kasi we're on our second year now. Biruin niyo 'yon, nakaabot kami ng second year sa Architecture. Sobrang thankful talaga kami na hindi kami kasama doon sa mga bumagsak or mga nag-shift. Ang dami kasi talagang nabawas sa 'min. Nasa fifty plus kami no'ng first year kami, pero ngayong second year na kami ay nasa thirty na lang agad kami.

Totoo nga talaga 'yong sabi nila, mabilis maubos ang Architecture students lalo na kapag mahina ang loob o ayaw magseryoso.

After ng class namin sa HOA, dumiretso kami sa library para mag-aral. Tulad ng dati, hindi kami nagpapansinan habang nasa iisang lamesa kami nila Marcus at Brook. Talagang classmates pa rin kami sa lahat ng subject dahil sabay-sabay kaming nag-enroll no'ng bakasyon.

"Tam, are you alright?" biglang tanong sa 'kin ni Marcus.

"Huh?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nagdudugo ilong mo, Tam," sabi naman ni Brook na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. Natigilan ako at agad na napahawak sa ilong ko.

Dumudugo nga.

"Sa init lang siguro," I said, getting my handkerchief out of my pocket. Kinuha sa 'kin ni Marcus ang panyo ko at siya na mismo ang dahan-dahang nagpunas ng ilong ko.

"Lean forward and breathe through your mouth," he said. I did what he told me to do. "I'll get you a water," paalam sa 'kin ni Marcus saka siya umalis.

"Ang OA ni Marcus," natatawa kong sabi. "Hindi ko nga ramdam na nagdudugo ilong ko, eh," dagdag ko pa at natawa na lang rin si Brook.

"Love ka lang no'n. Alam mo namang alagang-alaga tayo no'n eh," nakangiting sabi ni Brook and nagpatuloy na kami sa ginagawa namin.

May plate agad kami first day na first day. Pero skills test pa lang naman kaya hindi pa naman gano'n 'yong pressure. Pero sa HOA may plate agad kami, hindi lang siya counted as skills test. Plate na talaga. No'ng uwian na namin, nagpaalam na ako kila Marcus at Brook dahil naghihintay na sa 'kin si Ressler sa may gate.

"Dream come true, ha?" Brooklyn teased me and nag-high five pa sila ni Marcus. Loko talaga.

Paglabas ko ng gate ng campus, sumakay na agad ako sa sasakyan ni Ressler at humalik ako agad sa pisngi niya. "May plates agad kayo?"

I nodded.

"Tulungan kita?" he asked, flashing me a smile.

Nang makita ko ang ngiti niya ay wala sa sarili akong napangiti.

When we started dating, lagi ko na siyang nakikitang nakangiti pero hanggang ngayon naninibago pa rin ako kapag nakikita ko siyang nakangiti.

"Tam," tawag niya sa 'kin kaya bumalik ako sa katinuan.

"Busy ka pa sa new project mo, 'di ba?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. Pero kaya ko naman gawin bukas."

"I can do my plate on my own."

Ayaw kong nakakaistorbo ako sa trabaho niya kasi alam kong mas busy siya.

"Ayaw mo 'kong kasama?" he asked, raising his brow at me like a kid.

I chuckled. "Unahin mo muna kasi 'yong trabaho mo," pilit ko sa kanya.

"Pero 'pag si Zild, payag ka agad," he scoffed, furrowing his forehead.

I let out a small laugh. "Really, Ressler? Zild na naman? Crush mo ba si Zild, ha?"

Pagdating namin sa bahay, naabutan namin si Kuya Kylo na nakikipaglaro kay Zizi. Tss, hiniram na naman ni Kuya si Zizi kay Ressler panigurado.

"Hi, Zi!" bati ko kay Zizi and kinuha ko agad siya kay Kuya.

"Wala kang pasok?" tanong sa kanya ni Ressler at tinaasan lang siya ng kilay ni Kuya.

"Disappointed, Ress? 'Di mo masosolo kapatid ko?" nakangising sabi sa kanya ng Kuya ko pero inirapan lang siya ni Ressler.

Actually, my brother almost punched Ressler last summer when Ressler and I kissed in front of him. Yeah, nakita ng Kuya ko. And yeah, nakita nilang lahat. Pati nila Miguel at Franco. Alam nila kung gaano ako patay na patay kay Ressler pero hindi nila akalain na hahalikan ko si Ressler. And mas hindi nila inakala na hahalikan ako ng gano'n ni Ressler. Hindi ko maintindihan ang kapatid ko dahil no'ng una pinupush niya talaga na 'wag ko sukuan si Ressler, then no'ng naging kami naman, bantay-sarado ako ni Kuya.

* * *

"Oh great." Natapunan lang naman ng kape 'yong final plate ko.

Inis kong tinapon ang gawa ko at bumalik ulit sa drafting table ko para magsimula ng panibago, pero natigilan ako dahil may pumatak na dugo sa papel ko.

Agad akong tumingin sa salamin at natigilan ako nang makita kong nagdudugo na naman ang ilong ko.

Pang-anim na beses na 'to.

Ganito siguro epekto sa 'kin ng laging walang tulog at walang matinong kain.

Pinunasan ko agad ang ilong ko at bumalik ulit sa mesa ko para ituloy ang plate ko.

Guess what? 18 na lang kami sa section namin ngayong second year 2nd sem. Madaming nawala dahil puro bagsak na sila at madami rin naman ang nag-shift. May mga naging irreg din tulad ni Brooklyn. Lagi pa rin naman kaming nagkakasama ni Brook pero mas madalas kami na lang ni Marcus kasi iba na ang sched ni Brook.

The next day, hindi ako makabangon mula sa higaan ko. Nag-absent tuloy si Kuya para alagaan ako. Ang taas kasi ng lagnat ko. Kinagabihan, kailangan na ni Kuya pumasok kaya si Ressler ang nag-alaga sa 'kin pagkagaling na pagkagaling niya from work.

"Don't be too hard on yourself, Tam. You deserve a break. Kapag hindi kaya, magpahinga," sermon niya sa 'kin pagkalapag niya ng soup sa side table ng kama ko.

"Hindi ka pa ba uuwi? 11pm na," I reminded him.

"Iiwan ba kita dito ng ganyan kataas ang lagnat mo?" iritable niyang sabi kaya natawa ako. Ganyan si Ressler, laging iritable. Madalas masungit. Madalas wala sa mood. Pero kahit kailan hindi niya ako pinabayaan. Lagi niya akong inuuna.

"I'll sleep here tonight. Kapag hindi pa rin bumaba ang lagnat mo bukas ng umaga, hindi ka muna papasok," seryoso niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.

"Hindi ako puwedeng mag-absent bukas. Submission ng final plates namin!" reklamo ko sa kanya.

He folded his arms above his chest and raised a brow. "I'll be the one to submit your plates then," simple niyang sagot saka niya ako sinubuan ng soup.

Napangiti ako.

"I love you."

"I love you too," he responded, giving me a soft kiss on my forehead.


Smile For Me, ResslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon