Chapter 8

4.5K 142 28
                                    

simula ng dumating kame sa bahay hindi na natigil si carmela sa pag ikot sumasakit na ang ulo ko sa kakatingin sa kanya. napansin ko na para siyang kinakabahan at di mapakali.

Tania: hoi ano ba hindi ka ba titigil sa pagikot mo nahihilo na ko sayo (sigaw niya habang nakahiga sa sofa)

Aly: ha ano? (sagot niya habang palakad lakad sa buong sala)

Tania: umupo ka nga ano bang poblema mo?

Aly: kinakabahan ako para mamaya.

Tania: diba nagkita na kayo sa ice creamshop so ano pinopoblema mo?

Aly: ha? hindi ko alam eh. gusto mong lumabas?

Tania: lumabas? kakauwi lang natin saka busog pa ko para kumain.

Aly: gusto ko sana magpa salon.

Tania: ano?! salon?! bakit? teka nga hindi naman dahil kay kiefer to diba?

Aly: hindi noh! ano ka ba! feel ko lang magpasalon today. ginagawa ko naman sa Italy to diba?

Tania: ok sabi mo eh. tara na..

hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko pati si tania npapansin ang pagkabalisa ko. naisip ko magpa salon para naman ma relax ang isip ko. pagdating namin sa mall ay dumerecho kame sa isang salon, nagpa treatment ako at hair color na brown dahil maputi naman ako kaya bagay naman sakin. pagkagaling namin sa salon ay dumerecho kame sa isang spa para magpa body scrub facial at kung ano ano pa, patapos na kame sa facial ng mapansin kong late na pala at late nadin kame sa pupuntahan namin, bumili ako ng isang white backless dress at dito na din ako nagbihis sa mall dahil kung uuwi pa kame lalo lang kame matatagalan. lumabas ako ng dressing room para ipakita kay tania kung bagay ba sa akin ang dress.

Tania: oh my god.! you're so sexy in that dress.

Sales Lady: mam ang ganda niyo po para po kayong dyosa.

hindi ako makapaniwala sa reaksyon nila kaya tinignan ko na lang ang sarili ko sa malaking salamin. nagulat ako sa nakita ko, totoo ngang bagay sakin ang suot ko open siya sa likod at maiksi ang dress kaya kitang kita ang balat kong kumikinang sa puti dahil bagong body scrub ako at sobrang fit din sakin kaya hugis na hugis ang katawan ko.

Tania: omg talaga hindi ko akalain may igaganda ka pa pala.

Aly: baliw tara na late na tayo!

papunta na kame ngayon sa address na binigay ni kiefer,  pumasok kame sa isang subdivison at hinanap ang bahay, ng makita na namin iyon ay lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa mga kotche na nakaparada sa labas nakita ko din ang kotche ni kiefer na ginamit niya knina kaya siguradong andto na siya sa loob. huminga ako ng malalim, nagulat naman ako ng hinawakan ni tania ang kamay ko.

Tania: carmela are you ok? (tanong niya)

Aly: i don't know. (mahinang sagot nito)

Tania: alm ko kaya mo yan. basta tandaan mo lang na hindi ikaw si alyssa. kung ano man ang makita natin sa loob kumalma ka lang ok? nasa tabi mo lang ako hindi kita papabayaan.

Aly: sobrang swerte ko sayo.

Tania: alam ko (pabirong sagot nito)

Aly: sira! tara na nga...

bumaba na kami ng kotche at pumunta sa gate ng bahay huminga ako ng malalim saka pinindot ang doorbell.

(Doorbell Ringing)

dahan dahang bumukas ang pinto......

Von: oh my god tama nga si kiefer. (gulat na salita nito)

Aly: ha?... (sagot naman nito na nakangiti)

Sunshine After The RainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt