Chapter 27

3.7K 145 17
                                    

bumaba ako sa pagkakabuhat sakin ni kief nang makita ko si den at von na nakaupo sa sala. nginitian ko si den pero iniwasan niya lang ako ng tingin.

nagulat naman ako ng biglang hawakan ni kief ang kamay ko, gusto ko sanang tanggalin pero tuwing hinihila ko ito lalo lang niyang hinihigpitang ang pagkakahawak niya.

Kiefer: Von Den? anong ginagawa niyo dito?

Von: sinusundo ka, kaylngan mo ng bumalik sa manila bro..

Kiefer: ha? bakit? may problema ba?

Von: si mika kaylangan ka niya..

napatingin naman ako kay von ng marinig ko yung sinabi niya..

Kiefer: anjan na c miks??? pero bakit hindi niya ako tinatawagan..

Den: sinubukan niya kief pero mukang busy ka kaya hindi mo napapansin.

Kiefer: pwede bang mauna na kayo sususnod na lang ako

Von: bro nasa hospital si miks, she needs you..

Den: and she's pregnant !

(sagot niya at tumingin sakin)

napabitaw ako sa kamay ni kief nang marinig ko ang sinabi ni den. gusto kong tumakbo dahil pakiramdam ko malapit ng bumagsak ang mga luha ko sa sobrang sakit pero hindi ko magawa dahil nanghihina ang buong katawan ko.

Kiefer: whatt???!! buntis siya?

(gulat na tanong niya)

Den: yes

Von: pagka uwi niya from US kinausap niya kami para tulungan siya na makausap ka. papunta na sana kami dito nang biglang sumakit ang tiyan niya kaya dinala namin siya sa hospital

Den: we tried to call you but no avail kaya naisip namin na sunduin ka na lang.

hindi na sumagot si kief at agad agad na pumasok sa kwarto para magbihis, naiwan naman akong tulala na parang pinag sakluban ng langit at lupa.

maya maya ay lumabas na siya ng kwarto na may dalang bag, sa sobrang pagmamadali niya hindi na niya ako napansin hanggang sa maka alis sila.

na pa upo nalang ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makapaniwala na iniwan niya ako ng ganon ganon na lang, sabagy ano ba naman ang laban ko kay mika lalo na ngayon at buntis siya.

pumasok ako sa kwarto at nagkulong dahil ayokong may makakita sakin na umiiyak.

siguro nga tama si tania, hindi ko na dapat sinubukan pang mahalin ulit si kiefer dahil alam ko naman na masasaktan lang ako pero tanggap ko naman na mangyayari yon hindi lang siguro ako handa na ganito pala talaga ka sakit.

________________

umalis ako na hindi manlang nakapag paalam kay carmela dahil nataranta ako sa sinabi ni den, ayoko sana siyang iwan pero hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa anak ko.

pagdating namin sa hospital ay dumerecho agad ako sa room ni mika. pagpasok ko sa loob ay natutulog pa siya kaya hinayaan ko na lang dahil kaylngan niya mag pahinga. maya maya ay nagpaalam na si den para umuwi dahil marami pa daw siyang gagawin kaya kami na lang ni von ang naiwan.

Von: paps anong meron sa inyo ni carmela?

(bulong niya)

Kiefer: wala..

(tipid na sagot ko)

Von: mukang ang saya niyo eh, kayo na ba?

Kiefer: wag ka ngang maingay baka marinig ka ni miks.

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now