Chapter 30

4.3K 144 34
                                    

ilang linggo na ang nakalipas simula ng mag decide si carmela na tulungan ako sa wedding preparations ko at sa sobrang bilis ng araw hindi namin napansin malapit na pala kaming matapos.

natutuwa si mika dahil maganda daw yung mga nagagawa ko para sa kasal namin, hindi niya alam si carmela lahat ang pumili non dahil wala naman akong alam sa mga ganong bagay.

gusto sana niyang tumulong pero hindi ko pinayagan dahil kaylangan niyang mag bed rest kaya kumuha na din ako ng yaya para may kasama siya habang wala ako.

hindi ako naging komportable nung una dahil ramdam ko na nasasaktan si carmela kaya kinausap ko siya na mag hahanap na lang ako ng iba pero hindi siya pumayag dahil nangako daw siya sakin na tutulungan niya ako kaya hinayaan ko na lang.

nakakailang lang talaga nung umpisa pero habang tumatagal naging ok naman na kami at parang kami pa nga yung ikakasal dahil sobrang hands on niya kaya minsan napapangiti na lang ako dahil feeling ko siya yung bride ko.

inaamin ko na sa bawat araw na kasama ko siya lalo akong nahuhulog sa kanya, nag try ako na pigilan yung nararamdaman ko dahil siya na din naman ang nag sabi na hindi kami para sa isat isa pero hindi ko pala kaya dahil sa mga ngiti pa lang niya nanghihina na ako.

minsan naiisip ko kung dapat pa ba naming ituloy ni mika yung kasal dahil sa totoo lang hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko alam kung mahal ko pa ba siya o mahalaga na lang siya sakin dahil ina siya ng magiging anak ko, ayoko kasing dumating sa point na pinipilit na lang namin yung mga bagay na hindi naman namin gusto hanggang sa mgakakasakitan na kami at hindi niya deserve yun.

ang daming gumugulo sa isip ko ngayon pero hindi ko muna yun iisipin dahil ayoko mapansin ni carmela na wala ako sa sarili ko.

andito ako ngayon sa labas ng bahay niya at hinihintay ko na lang siyang lumabas dahil sasamahan niya ako sa tagaytay para kuhanin yung barong na pinagawa ko.

maya maya ay lumabas na siya ng gate na nakasimalmal ang muka at agad na pumsok sa kotche ko, ano naman kayang problema nito at ang aga agang sumpungin.

pagpasok niya ay binati ko agad at baka sakaling sumaya siya pero mukang wa epek.

Kiefer: good morning ang ganda mo ata ngayon...

bati ko habang nakangiti at naka hawak sa manibela

Aly: kief wag ngayon. let's go...

sagot niya habang inaayos yung seatbelt niya kaya hindi ko na lang kinulit.

habang nasa byahe kami hindi siya kumikibo at nakatingin lang sa bintana nakaka panibago kasi dahil hindi naman siya ganito nung mga nakaraan araw, nag music nalang ako dahil mejo masakit sa tenga yung katahimikan..

pagkatapos ng mahabang byahe ay nakarating na din kami dito sa tagaytay, ngayon lang naka punta si carmela dito dahil si dad ang kasama ko nung nag pasukat ako para sa barong ko.

pagpasok namin sa loob ay pina upo muna kami nung assistant ni nanay tasing dahil tatawagin pa daw niya ito.

si nanay tasing ang gumagawa ng barong ni dad nung kasal nila ni mommy kaya naisip ko na dito na lang din magpatahi dahil maganda naman talaga siyang gumawa.

maya maya ay lumabas na siya at agad naman kaming binati, mabait siya at malakas pa kahit may katandaan na.

Nanay Tasing: iho andito na pala kayo pasensya na at natagalan ako...

Kiefer: ok lang po nay maaga lang talaga kami dumating..

Nanay Tasing: halikat sukatin mo na ang barong mo para hindi kayo gabihin.

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now