Chapter 41

4K 143 21
                                    

pag dating ko sa labas ng condo ni alyssa ay nakita kong bukas ang pinto kaya pumasok na ako.

aalis na sana ako dahil nakita kong may kausap si tania na isang babae naisip ko kasi na baka hindi ito yung tamang oras para kausapin si ly.

palabas na sana ako ng bigla akong natigilan ng marinig ko ang pinag uusapan nila, hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumapit na din ako. nagulat naman sila ng makita nila ako.

Tania: kiefer?????

Evon: kiefer??? kiefer ravena??

sigaw ng isang babae ng malaman niyang ako si kiefer, ngumiti ako sa kanya pero inirapan niya lang ako.

Tania: evon si kief. kief si evon manager ni ly.

Kiefer: hi.

iniabot ko ang kamay ko pero hindi niya ito pinansin.

Evon: anong ginagawa mo dito??

galit na tanong niya. sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si tania

Tania: evon calm down baka marinig tayo ni ly.

Evon: bakit nandito yan? hoi mr. anong kailangan mo?

Kiefer: gusto ko lang sana siyang makausap

Evon: wow!! pagka tapos ng lahat may lakas ka pa ng loob para kausapin siya? hindi rin makapal yang mukha mo noh

Kiefer: i'm sorry

Evon: nawala ang career niya ng dahil sayo tapos andito ka ngayon para mag sorry?? tania ilabas mo yan at baka kung ano pang magawa ko sakanya

tinignan ako ni tania at akmang aalalayan na ako palabas. hindi ko alam ang gagawin ko dahil nanliit ako sa sinabi niya. bigla ko namang naalala ang pinag uusapan nila kanina kaya pinigilan ko muna si tania.

Kiefer: handa akong mag bantay sa kanya.

nakita ko namang nagulat silang dalawa sa sinabi ko.

Evon: what??? sa tingin mo papayag ako? nasisiraan ka na ng ulo mr. ravena

Tania: evon...

Evon: oh wag mo sabihing sangayon ka sa idea niya.

napatingin saglit sakin si tania saka ibinalik ang tingin niya kay evon. nakita ko namang huminga siya ng malalim bago nagsalita

Tania: i think mas makakabuti kung siya ang magaalaga kay ly habang wala ako.

nagulat naman si evon sa sinabi ni tania

Evon: naririnig mo ba yang sinasabi mo ha? siya ang may kasalanan ng lahat tapos sa kanya mo iiwanan si alyssa? isa ka din palang sira ulo!

Kiefer: aalagaan ko siyang mabuti dahil gusto ko din makabawi sa kanya

Evon: shut up !!!! hindi kita kinakausap!

sigaw niya kaya natahimik naman ako bigla.

Tania: sige kung hnd siya, sino? ikaw?

Evon: hahanap ako ng iba pero hindi yan!

sagot niya sabay turo sakin

Tania: gusto mong ibang tao ang mag alaga kay ly? evon bulag siya kaya hindi natin siya pwedeng ipagkatiwala sa iba.

Evon: so sa tingin mo sakanya pwede?

Tania: alam kong masama ang loob mo kay kief at ganon din naman ako pero mas mapapanatag ako kung siya ang mag aalaga kay ly.

Evon: sige sabihin na nting payag ako pero sa tingin mo papayag si alyssa ha?

Tania: ako na ang bahala.

Sunshine After The RainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora