Chapter 22

3.7K 128 8
                                    

papunta sana ako ng kusina para mag almusal ng marinig ko si kiefer na may kausap sa phone ayoko namang makinig kaya hindi na ako tumuloy, pabalik na sana ako sa kwarto ng marinig ko ang salitang "tatay ruel" na galing sa kanya kaya agad akong natigilan sa paglalakad, maya maya ay naramdaman ko na palabas na siya ng kusina kaya agad akong nag tago sa likod ng pinto. sumilip ako ng konti at nakita ko si dani na papalapit kaya napaatras ako dahil baka makita niya ako.

Dani; oh kuya aalis ka?

Kiefer: oo may pupuntahan lang ako.

Dani: saan ?

Kiefer: kila tatay ruel..

pupunta siya sa bahay namin? pero bakit?

Dani: sa bahay nila ate Ly??!!! anong gagawin mo dun???!

Kiefer: mamaya ko na lang sasabihin sayo

Dani: pero..ok lang ba sayo na bumalik ka don?

Kiefer: hindi naman si alyssa ang pupuntahan ko don at sigurado naman ako na wala siya, babalik din ako agad

Dani: sige, mag iingat ka..

Kiefer: salamat.

(sagot niya at lumabas na ng bahay)

gusto ko sana sumama sa kanya pero ayoko namang mag sinungaling sa harap ng mga magulang ko na hindi ako si alyssa kaya naisip ko na sundan na lang siya, gusto ko makita sila tatay kahit sulyap lang dahil miss na miss ko na sila.

pagkaalis ni kiefer ay pumasok na si dani sa kwarto niya kaya agad naman akong bumalik sa kwarto ko para kuhanin ang jacket na nakasabit sa likod ng pinto, sinuot ko to at lumabas na para sundan si kiefer at since malapit lang naman yung bahay namin dito naglakad na lang siya at wala pang sampung minuto ay nakarating na siya samin, nagtago ako sa likod ng puno para walang makakita sakin dahan dahang naman akong sumilip ng marinig ko ang gate na bumukas.

tumulo ang luha ko ng makita ko si inay, gusto ko tumakbo para yakapin siya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi pa ito ang tamang panahon para gawin yun. pinagmasdan ko lang sila saglit pero umuwi din ako dahil baka nga may makakita pa sakin.

pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto dahil hindi ko na mapigilan ang mga mata ko sa pagiyak.

Tania: san ka galing? teka.. umiiyak ka ba?

(tanong niya habang nakaupo sa kama)

Aly: nakita ko si inay.

(sagot ko habang umiiyak)

Tania: pumunta ka sa inyo?!??!?

Aly: sinundan ko si kief.

Tania: si kief? ano namang gagawin niya sainyo???

Aly: ewan ko, hindi naman ako nagpakita sa kanila.

Tania: ok ka lang ba?

Aly: gusto ko yakapin si inay ng makita ko siya kanina gusto ko halikan ang pisngi niya gusto ko maramdaman ulit ang mga hagod niya sa buhok ko. tania sobrang sakit dahil hindi ko manlang sila malapitan.

Tania: dadating din ang tamang panahon carmela.

sagot niya at niyakap ako ng mahigpit kaya mejo gumaan ang pakiramdam ko. sana pag dumating ang tamang panahon ay matanggap pa nila ako sa buhay nila .

____

andito ako ngayon sa bahay nila alyssa dahil tinawagan ako ni kuya nicko at kaylangan daw nila akong makausap,nung una ay nag aalinlangan pa ako na pumunta dahil ang tagal ko na din silang hindi nakikita pero naisip ko na wala namang masama kung pumunta ako dahil naging pamilya ko din naman sila at kung ano man ang nangyari samin ni alyssa ay labas na sila don dahil wala naman silang kasalanan.

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now