Chapter 33

3.8K 118 14
                                    

gusto ko sanang silang tignan pero hindi ko na magawa dahil sobrang bigat ni tania kaya hindi ko na lang pinansin dahil baka hindi naman siya yun at baka nagkakamali lang ako kaya dumerecho na kami sa kotche at ako na ang nag drive pa uwi.

ma aga akong nagising today dahil bumili pa ako ng regalo para kay dani. hindi ko na ginising si tania dahil alam ko namang may hang over siya kaya umalis na lang ako mag isa. pag uwi ko sa bahay ay nakita ko siyang nasa pool kaya agad ko naman siyang nilapitan

Aly: good morning..

bati ko na nakatayo sa pool side habang siya ay nakalublob sa tubig

Tania: oh anjan ka na pala san ka ba galing?

Aly: bumili lang ako ng gift for dan, aga mo ata mag swimming..

Tania: ha? ano kasi baka mamiss ko yung pool kaya sinusulit ko na .

Aly: really huh?

tinaasan ko naman siya ng kilay dahil hindi ako naniniwala sa palusot niya.

Tania: oo na may hang over ako. bakit kasi hindi mo ko inawat kagabi.

Aly: so kasalanan ko pa? ikaw nga dapat mag sorry sakin dahil pinahirapan mo ako kagabi tapos ako pa nag bayad lahat ng ininom mo.

Tania: ha? ikaw ba? sige babayaran na lang kita mamaya.

Aly: wag na . umahon ka na jan at samahan mo na lang ako.

Tania: fine...

papunta na kami ngayon ni tania sa hotel kung saan gaganapin yung birthday ni dani. nagbihis lang ako ng white dress at nag light make up dahil ayokong mapansin ng mga tao.

bago kami umalis ay nag impake na ako ng mga gamit ko dahil bukas na ang flight namin. tinawagan ko na din sila itay para magpaalam at sinabi ko na dadalawin ko na lang sila pag nagkaron ako ng pagkakataon.

nung una nag dadalawang isip pa akong pumnuta dahil siguradong makikita ko lang si mika don pero naisip ko na ito na yung huling beses na makikita ko si kief kaya kahit masakit wala na akong pakealam

aaminin ko na pinipilit ko nalang maging masaya dahil yun na lang ang tanging magagawa ko ngayon. wala namang mangyayari kung iiyak nalang ako ng iiyak diba?

hindi ko napansin na nasa parking area na pala kami ng hotel dahil naka tulala lang ako buong byahe. bigla naman akong natauhan ng mag salita si tania.

Tania: may problema ba?

Aly: ha? wala...

Tania: lutang ka simula kanina. gusto mo wag na tayo tumuloy?

Aly: no... hinihintay ako ni dani ayoko namang paasahin siya.

Tania: si dani ba talaga?

napatingin ako kay tania at hindi ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko.

Aly: i'm sorry...

agad ko namang itong pinunasan dahil ayoko makita ni tania na umiiyak ako. nagulat ako ng bigla naman niyang hinawakan ang mga kamay ko.

Tania: be strong carmela things will get better. it may be stormy now but it never rains forever.

hindi na ako sumagot at niyakap ko na lang siya ng mahigpit

Tania: oh tama na daram. eto tissue punasan mo na yang mata mo at pumasok na tayo sa loob at baka kanina ka pa hinahanap ni DANI.

talagang diniinan pa niya yung pangalan ni dani kaya tinignan ko naman siya ng masama.

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now