Chapter 38

4.9K 165 81
                                    

Evon: kamusta na siya?

Tania: hindi pa din nagigising..

na aksidente ang kotche ni alyssa nung araw na umalis siya ng condo na umiiyak. nakita naming wasak na wasak ang sasakyan niya pero wala na siya sa loob dahil dinala na siya sa ospital. buti na lang at may tumulong sa kanya dahil sabi ng doctor kung nahuli pa ng konti ang pagdala sa kanya baka hindi na siya umabot ng buhay.

pag dating namin sa ospital ay nanlumo ako ng makita kong naliligo siya sa sarili niyang dugo. hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. kung napigilan ko lang sana siya hindi mangyayari sa kanya to.

mag iisang linggo na din simula nung aksidente pero hanggang ngayon hindi pa din siya nagigising. sabi ng mga doctor tibayan lang daw namin ang loob namin dahil lumalaban naman si alyssa. kaming tatlo lang nila franco at evon ang nakakaalam ng nangyari sa kanya, hindi kasi namin masabi sa pamilya niya dahil may sakit ang tatay niya at baka hindi niya kayanin kung ipapaalam pa namin.

kaming dalawa lang ni franco ang nagsasalitan sa pagbabantay sa kanya dahil maraming inaasikaso si evon. kaylangan kasi naming itago sa media ang nangyari para hindi na lumala ang sitwasyon. araw araw akong naiiyak tuwing nakikita ko siyang nakaratay sa kama dahil mis na mis ko na ang mga ngiti at tawa niya. ilang araw na din akong puyat pero wala na akong pakealam dahil mas mahalaga sakin ngayon ang kalagayan ni alyssa.


Kiefer: ano may nakita ka ba?

Von: wala talaga paps.. hindi kaya nagpalit nanaman siya ng pangalan?

Ella: oh kaya hindi siya sa Italy pumunta.

Den: wag nga kayong nega pwede. makikita din natin siya mag tiwala lang kayo.

ilang linggo na kaming naghahanap kung saan namin pwedeng makita si alyssa pero wala pa din kaming makuhang sagot. pati ang companya na pinag tatrabahuhan niya sa Italy ay tinawagan na namin pero hindi na daw nag tatrabaho si alyssa sa kanila. minsan naiisip kong sumuko na dahil baka ayaw lang talaga niyang magpakita sakin pero nang dahil sa mga kaibigan at pamilya ko nagkakaron ako ng lakas ng loob.

napansin nila mommy na sobrang stress na ako sa paghahanap ko kay alyssa kaya pati sarili ko napapabayaan ko na. naisip nilang pag bakasyunin muna ako at tatawagan na lang daw nila ako pag may nakuha na silang impormasyon. nung una hindi ako pumayag dahil gusto kong tumulong sa kanila pero dahil mapilit sila pumayag na lang ako.

naisip ko na sa Batangas na lang pumunta para hindi naman masyadong malayo kung sakaling kailanganin nila ako.

pag dating ko sa bahay na pina gawa ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na lang ako dahil naaalala ko si alyssa dito.

habang nag aayos naman ako ng gamit nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

Jasmine: heart broken?

agad akong lumingon para tignan kung sino yung nagsalita at nakita ko naman si jasmine na nakatayo sa may pintuan.

Kiefer: sus ikaw lang pala akala ko naman kung sino.

Jasmine: ano namang ginagawa mo dito? wag mo sabihing sawi nanaman yang puso mo?

Kiefer: wag mo ng itanong.

Jasmine: kamusta na nga pala si carmela.

tanong niya at umupo sa sala.

Kiefer: hindi siya si carmela jas.

nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko .

Jasmine: alam mo na????

pero mas nagulat ako sa sinabi niya.

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now