Chapter 35

4.1K 138 36
                                    

Evon: lumabas na ba siya ng kwarto?

Tania: hindi pa eh..

Evon: ano ba talagang nangyari at pag balik niyo ganyan nanaman siya.

Tania: ha? hindi ko alam ...

Evon: panong hindi mo alam eh ikaw ang laging kasama. ilang linggo na siyang nagkukulong at nag lalasing baka kung mapano na yan.

Tania: kakausapin ko na lang pag labas niya.

Evon: siguraduhin mo lang dahil maraming project ang naka bitin. aalis na ako at dapat pag balik ko maayos na siya dahil kung hindi ikaw ang mananagot sakin.

Tania: opo madam..

simula nung bumalik kami dito sa Italy araw araw ng nag lalasing si alyssa, hindi na din siya kumakain sa oras kaya ang laki na ng ipinayat niya. may mga oras din na nagwawala siya pero hinahayaan ko na lang para mailabas niya ang sakit na nararamdaman niya.

akala ko pag lipas nang ilang linggo magiging ok na siya pero lalo lang siyang lumalala. ilang projects na din ang tinanggihan namin dahil ayaw niyang mag trabaho.

hindi ko sinabi kay evon yung nangyari sa pilipinas dahil siguradong bubungangaan niya lang ako kaya mas mabuti na yung wala siyang alam.

tumawag ang pamilya niya dahil nag aalala daw sila para kay alyssa sinabi ko na lang na marami siyang project kaya hindi siya nakakatawag.

pumunta si evon ngayon dito dahil kaylangan na daw pumasok ni alyssa, ilang companya na din kasi ang nagagalit dahil nabibitin ang mga magazine nila.

sinubukan ko siyang katukin pero hindi siya nag bubukas kaya naisip kong tumawag na nang magbubukas dahil wala naman akong susi.

(Door Bell Ringing)

Felipe: buongiorno signora ''magandang umaga madam''

Tania: buongiorno sono disponibili in "magandang umaga, pasok ka"

Felipe: che è il tempo che avete? " alin po yung pabubuksan niyo?''

itinuro ko kay felipe yung pinto ng kwarto ni carmela. bahala na kung magagalit siya sakin pero kaylangan na talaga niyang lumabas.

habang binubuksan niya yung door knob bigla akong kinabahan dahil walang nagsasalita sa loob. siguro naman naririnig niyang may nagbubukas diba kaya imposibleng hindi siya kikibo.

Felipe: apro la porta  ''bukas na po ang pinto''

Tania: grazie felipe " salamat''

agad akong pumasok sa loob dahil kinakabahan talaga ako. pag bukas ko ng pinto ay nagulat ako ng tumambad sakin ang katawan niyang nakahiga sa sahig at walang malay. tumakbo naman ako agad para lapitan siya. 

Tania: alyssa?!!! alyssa?!!! ..

lahat na ginawa ko pero hindi pa din siya gumigising. nakita ko ang isang bote ng gamot sa may paanan niya at wala ng laman kaya agad kong tinawagan si evon dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

pag dating niya ay dinala na namin si alyssa sa ospital. nasa labas lang kami ng e.r dahil hindi naman kami pwedeng pumasok sa loob.

Evon: ano bang problema ng alaga mo at nag balak pang magpakamatay. meron ka bang hindi sinasabi sakin?

hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya dahil hindi naman niya pwedeng malaman yung totoo buti na lang at biglang dumating si franco kaya nakalimutan na ni evon yung tanong niya.

Fronco: anong nangyari?

hingal na hingal na tanong niya.

Tania: pwede bang huminga ka muna.

Sunshine After The RainOù les histoires vivent. Découvrez maintenant