Chapter 40

4.5K 136 36
                                    

napuno ng message at misscalled ang phone ko galing kila mommy at sa mga kaibigan ko ng malaman nila ang nangyari kay ly. hindi ko sila magawang kausapin dahil wala akong lakas ng loob para harapin ang mga sasabihin nila.

bigla namang nag email sakin si thirdy at sinabing pupunta sila dito kung hindi ko pa sasagutin ang phone ko kaya wala na akong nagawa kung hindi kausapin na sila.

Kiefer: hello Ma?

Mom Mozzy: kiefer!! bakit ngayon ka lang sumagot? alalang alala na kami sayo. malapit na nga magpa book ang dadi mo ng flight papunta jan.

Kiefer: i'm sorry

Mom Mozzy: how are you?

Kiefer: trying to be strong..

sagot ko habang umiiyak

Mom Mozzy: you can cry all you want anak, but it won't help.

Kiefer: kasalanan ko kung bakit siya nagka ganon, kung nakinig lang sana ako sa kanya hindi mangyayari to

Mom Mozzy: hindi ito ang tamang panahon para sisihin mo pa ang sarili mo. hindi na natin mababawi pa ang nakraan anak. ang tanging magagawa mo na lang ngayon ay humingi ng tawad at bumawi sa kanya.

Kiefer: pero hindi alam kung paano Ma.

Mom Mozzy: naka usap mo na ba siya?

Kiefer: not yet. hindi ko alam ang sasabihin ko.

Mom Mozzy: kausapin mo siya anak. maging matatag ka kung ano man ang kalalabasan nito. tandaan mo nandito lang kami para sayo...

Kiefer: thanks Ma..

ibinaba ko ang phone ko sa side table ng bed saka ako humiga at nag isip. hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay alyssa dahil hindi naman sapat ang sorry lang para mapatawad niya ako at isa pa may boyfriend na siya kaya wala na akong pag asang maka bawi pa sa mga pagkukulang ko sa kanya. kinakabahan man ako pero kailangan ko pa din siyang harapin bahala na kung anong sasabihin niya ang importante maka hingi ako ng tawad sa kanya.


nagulat kami ng nalaman namin ang nangyari kay ly. gusto sana namin siyang puntahan pero sabi ni den hayaan muna naming ayusin ni kiefer ang mga pagkakamaling nagawa niya. halos araw araw kaming pumupunta ng simbahan para mag dasal, walang man kasiguraduhan na gagaling siya pero walang imposible kung mananalig ka sa Diyos.

Ella: besh sa tingin mo babalik pa yung paningin ni ly? doctor ka diba kaya dapat alam mo.

tanong ko habang kumakain.

Den: ella hindi ako doctor sa mata at isa pa hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya

Ella: pero may pagasa pa naman siyang makakita diba?

Den: sana. hindi ako nawawalan ng pag asa.

Amy: i want to see her..

Den: ako din pero mag hintay muna tayo ng konti. hayaan muna natin si kief.

Ella: mapapatawad pa kaya siya ni besh?

Amy: kung ako yun baka hindi na.

Ella: buti na lang hindi ikaw si ly noh?

Amy: why??? dapat nga magalit tayo kay kief dahil sa ginawa niya sa bestfriend natin.

Den: wala tayong karapatang magalit sa kanya amy. isa din tayo sa humusga kay ly nung mga panahong kailangan niya tayo at pinag sisishan ko na yun.

biglang tumahimik ang paligid dahil hindi na kami naka kibo ni amy. guilty kami dahil totoo ang lahat ng sinabi ni den. hinusgahan namin si ly nung mga panahong kailangan niya ng kaibigan. akala kasi namin nagsisinungaling siya at hindi namin yun matanggap dahil kaibigan niya kami. kung nakinig lang din sana kami sa kanya baka sakaling kasama pa namin siya hanggang ngayon.

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now