Chapter 29

3.9K 129 12
                                    

Aly: tara na dali malamig yung tubig oh...

Tania: kaya mo na yan wala ako sa mood mag swimming ngayon mauupo na lang ako dito...

Aly: ang kj mo talaga...

bigla namang dumating si manang na may dalang miryenda

Manang: mam eto na po yung miryenda...

Tania: ay salamat manang pakibaba na lang po dito sa table..

Manang: may kaylangan pa po kayo mam?

Tania: ah wala na po thank you manang..

Aly: manang yung bathrobe ko na lang po naiwan kasi sa kwarto

Manang: sige po...

umalis na si manang at umakyat sa kwarto para kuhanin ang bathrobe ko..

naisipan ko kasi mag swimming ngayon dahil naiinip na ako dito sa bahay, tinatamad naman akong lumabas dahil wala naman akong pupuntahan.

gusto ko sana makita sila ella pero hindi ko naman alam kung pano ko sila aayain at nahihiya ako kay den dahil sa nakita niya samin ni kief..

pagod na ko mag swimming pero ayoko pang umahon dahil ang sarap nung tubig sa katawan kaya tumambay na lang ako sa gilid ng pool  na malapit kay tania..

Tania: oh juice..

nilapag niya ang isang baso ng juice sa gilid ng pool para ma abot ko...

Aly: thanks...

Tania: umahon ka na at baka umitim ka..

Aly: mamaya na nakaka relax yung tubig eh...

Tania: bahala ka,.. nga pala tumawag si evon..

Aly: anong sabi niya?

tanong ko at ininom ang juice..

Tania: once daw na ok na yung project pwede na tayong bumalik sa Italy,...

nalungkot naman ako bigla ng marinig ko ang sinabi ni tania, nawala sa loob ko na kaylangan ko nga palang bumalik sa Italy, ayoko pa sanang umuwi dahil malulungkot lang ako don pero wala naman akong magagawa dahil nandon ang trabaho ko..

Tania: oh bakit para kang nalugi....

Aly: wala naman ...

Tania: ayaw mo pang bumalik noh....

Aly: wag na natin pag usapan...

binaba ko ang baso at nag swimming na lang ulit kahit pagod na ko, ayoko na kasing pag usapan yung mga ganong bagay dahil lalo lang akong nalulungkot...


andito ako ngayon sa labas ng bahay ni carmela para kausapin siya, buti nalang at kilala na ako nung guard kaya naka pasok agad ako.

huminga ako ng malalim bago kumatok, maya maya ay bumukas na ang pinto.

Manang: ay sir kayo pala pasok kayo.

agad naman akong pumasok at sinarado ni manang ang pinto.

Manang: maupo ka muna tatawagin ko lang si mam

Kiefer: thank you manang

umalis na si manang para tawagin si carmela, umupo muna ako sa sala habang nag hihintay sa kanya. kinakabahan talaga ako dahil hindi ko alam kung pano ko sasabihin na magpapatulong ako para sa kasal ko.

sa sobrang kaba ko naisip ko na umuwi nalang dahil hindi ko yata kayang sabihin sa kanya yun, patayo na sana ako ng biglang may tumawag sakin,

Tania: kief?

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now