Chapter 26

3.8K 142 19
                                    

madilim na pero wala pa si kiefer at nag aalala na ako dahil kanina pa siya umalis at hanggang ngayon hindi pa siya nakakabalik, gusto ko sana siyang sundan pero natatakot ako dahil hindi ko naman alam kung saan ko siya hahanapin.

napaiyak na lang ako dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, lalo akong natakot ng may marinig ako na kaluskos sa may likuran ko, gusto ko sanang tumakbo pero sa sobrang takot ko hindi ko na maigalaw ang mga paa ko kaya umupo na lang ako at nagtalukbong ng jacket.

Aly: kiefer nasaan ka na ba bakit mo ba ko iniwan dito.......

(bulong ko habang umiiyak)

maya maya ay naramdaman kong may gumagalaw at mukang papalapit sakin, hindi ko na to magawang tignan dahil sa sobrang takot ko at pakiramdam ko malapit na akong himatayin.

nagipon ako ng lakas ng loob para tumakbo dahil kung hindi ko pa gagawin to baka katapusan na ng buhay ko.

patayo na sana ako ng biglang may nagsalita at nang itaas ko ang ulo ko nakita ko si kiefer na nakatayo sa harap ko kaya agad naman akong tumayo at yumakap sa kanya.

Kiefer: babe bakit ka umiiyak...

Aly: bakit ba ang tagal mo, muntik na akong mamatay sa takot.

(sagot ko habang umiiiyak)

Kiefer: tahan na andito na ako oh saka kinuha ko pa kasi to kaya natagalan ako.

(bumitaw ako sa pagkakayap sa kanya para tignan kung ano yung hawak niya)

Kiefer: oh para sayo, tahan na...

nanalaki ang mata ko ng makita ko ang isang puting bulaklak na sobrang ganda at lalo akong namangha dahil ngayon lang ako nakakita ng bulaklak na lumiliwanag dahil sa sobrang puti nito pero mas naka agaw ng atensyon ko ang mga sugat niya sa kamay.

Aly: anong nangyari sa kamay mo?

(tanong ko habang hawak ko ang kamay niya)

Kiefer: ah eto ba? kinagat ng bubuyog habang kinukuha ko yang bulaklak pero hindi naman masakit.

napatingin na lang ako sa mga mata niya ng marinig ko ang sinabi niya hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko....

Kiefer: oh bakit ka umiiyak? hindi mo ba nagustuhan yung bulaklak?

(tanong niya habang hawak ang pisngi ko)

naiiyak ako dahil sa sobrang saya pero naawa ako sa kanya dahil sa mga natamo niyang sugat.

Aly: hindi mo naman kaylngan bigyan pa ko nito, nagkasugat ka tuloy...

Kiefer: hindi baling masaktan ako mapasaya lang kita

Aly: bolero ka talaga... salamat..

(sagot ko at niyakap siya ng mahigpit)

Kiefer: worth it naman yung kagat nila dahil ang kapalit ay matamis mong yakap..

Aly: alam mo pwede ka na tumanggap ng award sa sobrang bolero mo, gumawa ka na nga ng bonfire dumidilim na oh....

(sagot ko at tinapik siya sa balikat)

Kiefer: kung ikaw naman yung award bakit hindi diba..

(sagot naman niya na naka ngiti)

Aly: kiefer!!!!

(sigaw ko dahil baka langgamin na kami sa sobrang sweet niya)

Kiefer: oo na eto na gagawa na po...

(sagot niya at dinampot na ang mga kahoy)

pagkatapos namin mag hapunan ay nahiga kami ni kiefer sa banig para mag star gazing.

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now