Chapter 46

4.5K 155 26
                                    

nandito kami sa hospital dahil ngayon ang operation ni ly para sa eye transplant niya, habang naghihintay kami sa labas ng O.R ay nakita kong hindi mapakali si kief kaya nilapitan ko na siya.

Tania: are you ok?

tumigil naman siya sa paglakad at umupo 

Kiefer: tans kinakabahan ako.

Tania: kaya niya yan. matapang yun kaya dapat maging matapang ka din.

Kiefer: hindi natin alam kung magiging successful yung operation

Tania: bakit ba ang nega mo. ikaw nga dapat magpaka positive diba?

Kiefer: kinakabahan lang talaga ako eh.

Tania: yun lang ba ang dahilan kung bakit ka kinakabahan?

nakita ko namang nagulat siya sa tanong ko.

Kiefer: paano kung hindi niya ako matanggap?

Tania: paano mo naman nasabing hindi?

Kiefer: alam naman nating hindi pa niya ako napapatawad sa lahat ng ginawa ko sa kanya diba? paano pa ngayon na niloko ko siya dahil sa pagpapanggap ko.

Tania: kief wag mo munang isipin yan ang mahalaga nasa tabi ka niya nung oras na kailangan ka niya lalo na ngayon.

Kiefer: ayoko lang ng masaktan siya ulit pag nalaman niya yung totoo.

Tania: God never allows pain without a purpose kief, harapin mo na lang siya at kung ano man ang magiging desisyon niya wala na tayong magagawa don kundi tanggapin na lang.





pagkalipas ng dalawang oras na paghihintay ay lumabas na ang doctor at sinabing successful ang naging operasyon ni ly kaya hindi ko na napigilang mapaiyak.

agad ko namang tinawagan sila von para sabihin ang magandang balita, nasabi ko din kasi sa kanila na ngayon ang operasyon kaya siguradong matutuwa sila sa ibabalita ko.

Von: oh paps kamusta na si ly? kamusta ang operasyon niya?

Kiefer: good news bro, successful ..

masayang sagot ko sa kanya

Von: thank God... nagkausap na kayo?

Kiefer: hindi pa, tulog pa kasi siya nung ilipat sa room.

Von: ano nang balak mo ngayon?

bigla namang lumungkot ang pakiramdam ko sa sinabi niya

Kiefer: i don't know bro

Von: bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya yung totoo then humingi ka ng tawad

Kiefer: hindi naman ganon kadali yun saka hindi ko nga alam kung mapapatawad pa niya ko

Von: bro sometimes you just gotta take that chance and risk it all even if you lose it in the end. its better to know than to spend the rest of your life wondering what could have happened.

Kiefer: ayokong sumugal sa bagay na alam kong siya ang masasaktan.

Von: so ibig mong sabihin wala kang balak harapin si ly? ano yun iiwan mo na lang siya basta? bro naman anjan ka na, ngayon ka pa ba susuko?

Kiefer: ayoko ng sirain pa ulit ang buhay niya dahil sa panlolokong ginawa ko. sobrang pasakit na ang naibigay ko at ayoko ng dagdagan pa un .

Von: paano ka? ganon na lang yun? pagkatapos mo siyang hanapin susukuan mo na lang?

Kiefer: masakit sakin na iwan siya pero mas masakit sakin kung magiging miserable siya ulit ng dahil sakin. masaya na ako na nakikita ko siyang masaya at sapat na sakin yun.

Von: kung yan ang gusto mo susuportahan ka na lang namin pero bro think twice before you do something you might regret.

masakit sakin na iwan si ly pero ayokong saktan siya ulit pag nalaman niya ang totoo. walang kasiguraduhan na mapapatawad niya pa ako kaya nakapag desisyon na ako at hindi na mababago yun. para din naman sa kanya tong gagawin ko at sa ikapapanatag ng loob ko. 





si kief ang nag alaga kay ly habang nasa hospital kami kaya halos wala na akong ginagawa dahil siya na ang nag aasikaso ng lahat.

gusto niya daw kasi makabawi sa lahat ng pagkukulang niya kaya hinayaan ko na lang. pakiramdam ko nga hindi na ako kailangan dito dahil pati sa pagsusuklay ng buhok ni ly siya gumagawa, hindi naman ako nagtatampo masaya pa nga ako dahil ok na ulit sila at sana tuloy tuloy na.

nagyong araw tatanggalin ang benda sa mga mata ni ly kaya excited kaming lahat, nagpaalam si kief na may kukuhanin lang daw siya pero hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. sabi ni evon baka natakot daw sa magiging reaksyon ni ly kaya hindi na bumalik, ayoko siyang paniwalaan dahil hindi naman siguro palalagpasin ni kief ang araw na to dahil mahalaga to para kay alyssa pero nakakailang tawag na ako sa kanya hindi pa din siya sumasagot, maya maya ay dumating na ang doctor kaya tinigilan ko na ang pag tawag sa kanya.

nakatayo lang kami ni evon sa gilid ng kama habang tinatanggal na nga mga doctor ang benda sa mata ni alyssa, hindi ko naman mapigilang mapatingin sa phone ko dahil baka nag mesaage si kief na ma lalate lang siya pero wala akong natanggap.

Evon: ano sumagot ba?

bulong niya sakin.

Tania: hindi..

bulong ko sa kanya.

Evon: hindi na yan dadating, natatakot kasi siya na baka gawin sa kanya ni alyssa yung ginawa niya dati

Tania: bakit naman gagawin ni ly yun?

Evon: hello? hindi naman alam ni ly na siya si kief noh kaya malamang sa natakot yan kaya umalis.

sasagot pa sana ako ng biglang nagsalita yung doctor. hindi naman napansing natanggal na pala niya lahat ng benda.

Doctor: ora aprite gli occhi dolcemente (''dahan dahan mong buksan ang mga mata mo'')

hinawakan ko ang kamay ni evon dahil kinakabahan ako sa resulta.

Evon: hui ano ka ba, ang sakit !

Tania: kinakabahan ako eh..

maya maya ay binuksan na ni alyssa ang mga mata niya at sa sobrang kaba ko ay halos hindi na ako humihinga.

Doctor: delicatamente delicatamente (''dahan dahan'')

nang tuluyan niyang mabuksan ang mga mata niya ay agad niya itong inilibot sa buong kwarto.

Doctor: quindi com'è? (''kamusta?'')

hindi siya sumagot at parang inaadjust pa ang sarili niya sa liwanag.

Doctor: si può vedere noi? (''nakikita mo ba kami?'')

tanong ulit ng doctor kay alyssa pero hindi pa din siya sumasagot kaya lalo akong kinabahan.

maya maya ay tumingin siya samin ni evon kaya nginitian namin siya pero imbis na ngumiti ay bigla nalang siyang nagsalita na ikinagulat naman namin.

Aly: where is he?

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now