biglang tumulo ang luha ko ng padaanin ko ang kamay ko sa mga mata ni alyssa at na kumpirma kong hindi niya ako nakikita.
nagulat naman ako ng biglang may humawak sa braso ko at nang tignan ko kung sino si tania pala at sumenyas na wag akong maingay
Tania: ly eto na yung coffee mo..
nanghihina ang buong katawan ko ng makita ko si tania na inaalalayan si alyssa habang umiinom ng kape. tinakpan ko ang bibig ko dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako ng husto.
Aly: tans wag ka nga nawawala ng matagal natatakot ako. akala ko may lumapit na sakin.
Tania: hangin lang yon wag ka ngang praning.
Aly: ikaw kaya ang hindi nakaka kita tignan ko lang kung hindi ka ma praning.
pinanuod ko si alyssa habang kumakain siya. kinuha ko ang phone ko sa bulsa at kinuhanan ko si alyssa ng picture saka ko sinend kila mommy.
Tania: ly...
Aly: hmmmmm?
Tania: gusto mo ng umuwi?
Aly: bakit?
Tania: umuulan na kasi...
Aly: ha? umuulan? bakit wala naman akong nararamdaman
Tania: umuulan ng luha
bulong niya saka tumingin sakin kaya pinunasan ko naman ang pisngi ko..
Aly: ano? anong sabi mo?
Tania: wala .. sabi ko tara na baka umulan..
aalalayan ko sana si alyssa pero pinigilan ako ni tania at bumulong na sumunod na lang ako sa kanila kaya yun na lang ang ginawa ko.
naghintay ako sa sala ng condo ni alyssa habang inaayos siya ni tania para matulog dahil kailangan na daw nito mag pahinga. maya maya ay lumabas na din si tania at umupo sa harap ko.
Tania: anong ginagawa mo dito kief?
Kiefer: gusto ko lang makita si alyssa.
nakita ko naman ang pagka gulat sa mukha niya.
Tania: bakit? para saan pa? diba nagpakasal ka na kay mika 2months ago so bakit mo pa siya kailangang makita?
Kiefer: wala na kami ni mika tania, nalaman ko na ang totoo
Tania: so natauhan ka kaya ka nandito?
Kiefer: anong nangyari kay alyssa? bakit hindi na siya makakita?
Tania: gusto mo talaga malaman? baka lalo mo lang pagsisihan ang ginawa mo sa kanya.
biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi ni tania. ako ba ang dahilan kung bakit siya nagka ganito? hindi ako maka sagot sa kanya dahil kinakabahan ako sa sasabihin niya.
Tania: oh bakit hindi ka maka sagot? natatakot ka bang malaman kung bakit siya nagka ganyan?
Kiefer: ako ba ang dahilan?
natatakot ako sa sasabihin niya pero kailangan ko pa ding malaman ang nangyari.
Tania: na aksidente siya nung araw ng kasal mo kief. nasaktan siya ng sobra nung nalaman niyang ikakasal ka. umalis siya at nabangga ang sasakyan niya
parang bumagsak ang mundo ko ng marinig ko ang sinabi niya. napasabunot na lang ako sa ulo ko dahil hindi ako makapaniwala na ako nga ang dahilan kung bakit nawala ang paningin niya.
Kiefer: pero bakit hindi na siya makakita?
Tania: ilang linggo din siyang coma pag katapos ng aksidente. akala nga namin hindi na siya magigising dahil sa tagal na niyang tulog pero isang araw bigla siyang nagka malay kaso wala na siyang makita. sabi ng doctor na apektuhan ng sobra ang mga mata niya dahil sa mga bubog na pumasok dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/80146161-288-k595130.jpg)
YOU ARE READING
Sunshine After The Rain
FanfictionSabi nila kung ano nasa puso mo sundin mo, pero paano kung ang natira na lang sa loob nito ay galit at puot? Sa pagmamahal hindi sapat na mahal mo lang, minsan kailangan mo din magtiwala, magpatawad at magsakripisyo. Wag mo sayangin ang pagkakataon...