andito kami ngayon sa labas ni jasmine dahil nagiihaw kami ng oyster madalas namin tong gawin dati pag nandito ako sa batangas kaya namiss ko to ng sobra. maya maya lang ay dumating na sila estong para sunduin si carmela at agad naman tong lumabas.
napanganga na lang ako dahil naka 2piece siya at manipis na cover up naginit naman ang ulo ko ng makita ko si romeo na inaalalayan si carmela habang naglalakad sa buhangin. gusto ko sana siyang lapitan at pag palitin ng damit pero hinawakan ni jasmine ang kamay ko. wala na akong nagawa kundi tignan na lang siya hanggang sa makaalis sila.
Jasmine: wag mo masyado ipahalata na nagseselos ka baka lalo lang siyang mainis sayo.
Kiefer: kaylngan ba talaga naka 2piece siya sa pangingisda oh nag papacute lang siya.
Jasmine: why? what's wrong with that? ang ganda nga ng katawan niya eh kung ganyan lang ang katawan ko baka araw araw akong naka swimsuit.
Kiefer: alam mo isa ka pa eh.
Jasmine: umamin ka nga sakin ravena may gusto ka ba sa kanya?
Kiefer: oo
Jasmine: aba umamin nga ang gago. sakit ha.
Kiefer: sira ka pala sabi mo umamin ako edi inamin ko.
Jasmine: malay ko bang aamin ka nga noh. mahal mo ba?
Kiefer: nag tatanong ka na naman baka mamaya pag sinagot ko magalit ka ulit
Jasmine: nagsisigurado lang ako baka kasi gusto mo lang siya dahil kamuka niya si alyssa.
Kiefer: magkaiba sila ni alyssa ok
Jasmine: cge kunwari na lang naniniwala ako. pano yung mapapangasawa mo? engage na kayo diba?
Kiefer: gusto ko pakasalan si mika dahil siya ang nasa tabi ko nung mga panahon na kaylngan ko ng karamay at mahal ko siya pero iba na yung nararamdaman ko para kay carmela. masaya ako pag kasama siya.
Jasmine: hirap maging pogi noh bes? kung ako na lang pinili mo edi di ka sana nahihirapan.
Kiefer: alam mo naman na parang kapatid na ang turing ko sayo.
Jasmine: minsan bastos din yang bunganga mo eh noh. pero seryoso mukang may gusto din siya sayo eh.
Kiefer: may gusto siya sakin? eh halos isumpa na nga ako ng babae na yan
Jasmine: bakit mo nagustuhan kung ganon siya sayo? alam mo bang nag seselos siya sakin
Kiefer: pano mo naman nalaman?
Jasmine: kiefer babae din ako alam ko na yang mga galawan na ganyan kaya sigurado akong nagseselos siya, kung nakakamatay nga lang yung mga tingin niya malamang sa pinag lalamayan na ko ngayon
Kiefer: nagseselos pala siya ah..
Jasmine: Luuuhhh ang ngiti wagas bes? alam mo masaya ako dahil nakakangiti ka na ulit ng ganyan.
Kiefer: bakit ngumingiti naman ako dati ah.
Jasmine: oo pero hindi ganyan. sana this time maging masaya ka na, ayoko ng makita yung dating ravena eh nakaka stress!
Kiefer: masaya ako dahil nakilala kita kahit baliw ka
Jasmine: wag ka masyadong yumakap baka ma fall ako sayo sige ka.
Kiefer: sira. hahaha
Jasmine: nga pala anong plano mo jan sa pinagawa mong bahay? ibenta mo nalang, sayang eh
Kiefer: hindi ko ibebenta yan.
Jasmine: bakit? umaasa ka pa bang babalik si alyssa?
Kiefer: hindi. pero wala akong balak ibenta yan.
![](https://img.wattpad.com/cover/80146161-288-k595130.jpg)
YOU ARE READING
Sunshine After The Rain
FanfictionSabi nila kung ano nasa puso mo sundin mo, pero paano kung ang natira na lang sa loob nito ay galit at puot? Sa pagmamahal hindi sapat na mahal mo lang, minsan kailangan mo din magtiwala, magpatawad at magsakripisyo. Wag mo sayangin ang pagkakataon...