Chapter 44

4.1K 141 37
                                    

masaya ako ng makita kong masaya si ly dahil bumalik na si tania pero hindi ko din maiwasang malungkot dahil baka ito na yung huling araw na makakasama ko siya. ayoko sana siyang iwan pero wala naman akong magagawa dahil yun ang napag usapan namin nila evon.

malakas ang pakiramdam ni ly kaya buong araw akong umiiwas sa kanya. ayoko kasing maramdaman niyang malungkot ako dahil baka maging dahilan pa ito ng pagtatanong niya. sobrang pagsisinungaling na ang nagawa ko sa kanya kaya ayoko ng dagdagan pa.

iniwan ko silang naguusap ni tania sa sala at nag pahangin na lang ako sa terrace dahil ayokong makisali sa kwentuhan nila. habang nakatayo ako at nag papahangin ay bigla namang may nagsalita sa likod ko at ng lingunin ko ito ay nakita ko si tania na nakatayo sa may pinto

Tania: bakit nandito ka sa labas?

Kiefer: nagpapahangin lang ...

Tania: nagpapahangin oh iniiwasan mo si ly?

Kiefer: wag ka ngang maingay baka marinig ka niya.

Tania: so iniiwasan mo nga siya ?

Kiefer: ayoko lang na maramdaman niyang nalulungkot ako

Tania: nalulungkot ka dahil?

Kiefer: dahil nandito ka na para alagaan siya kaya kailangan ko ng umalis saka yun naman ang na pagusapan diba?

Tania: edi wag kang umalis. wala namang nagpapaalis sayo.

Kiefer: pero...

bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay sumagot na siya

Tania: kief akala ko ba gusto mong makabawi sa kanya? bakit aalis ka? saka feeling ko gusto naman niyang nandito ka eh

Kiefer: oo pero hindi bilang ako.

Tania: wag mo munang isipin ngayon yan. ang intindihin mo kung paano ka makakabawi

nagtataka ako sa mga sinasabi ni tania dahil alam ko namang galit din siya sakin.

Kiefer: tans bakit? i mean bakit ka pumapayag?

Tania: binibigyan lang kita ng pagkakataon kief kaya wag mong sayangin saka mukha namang sincere ka sa sinasabi mo.

Kiefer: sa tingin mo mapapatawad pa kaya niya ako?

Tania: ikaw lang ang makaka sagot niyan.




simula nung nag usap kami ni kief ay napansin kong lalo silang naging close ni ly kaya hindi na din niya nagawang umalis.

halos araw araw na silang lumalabas para mamasyal at tuwing uuwi sila ay kitang kita ko kay alyssa ang saya na matagal ko na din hindi nakikita

yung saya na abot langit kung maka ngiti tulad ngayon, habang nasa sala kami ay napansin kong naka ngiti siya na akala mo nanalo sa loto kahit wala namang dahilan.

Tania: saya mo ah.. baka gusto mong magkwento?

Aly: ha? ano namang ikukwento ko?

Tania: wag mo sabihing ngumingiti ka ng walang dahilan aba delikado na yan

Aly: sira hindi ako baliw noh!

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now