Chapter 42

4.4K 127 26
                                    

Tania: magpakabait ka dito ha, yung mga gamot mo inumin mo saka makikinig ka lagi kay daniel ha...

Aly: grabe ka naman magpaalam parang hindi ka na babalik ah..

Tania: matigas kasi ang ulo mo kaya dapat ko pang ulit ulitin sayo

Aly: oo na po, wag mo lang kakalimutan yung bilin ko sayo ha saka yung bagoong ko.

Tania: bagoong talaga? babaho lang tayo dito eh

Aly: hay nako ikaw lang naman ang nababahuan eh ..

Tania: oo na sige na baka magiyakan pa tayo dito..

pinapanuod ko lang si alyssa at tania habang nagpapaalamanan sila sa isat isa. ngayon na kasi ang alis niya pauwi ng philippines kaya maaga din akong dumating dito. dala ko na din ang mga gamit ko dahil dito ako titira hanggang wala siya.

Tania: daniel paki labas naman yung mga maleta ko.

Kiefer: ah oo... alyssa wag kang aalis jan ha. hintayin mo ko

tumango naman siya kaya agad kong dinampot ang mga maleta ni tania para ilabas. maya maya ay sumunod na din siya sakin palabas at isinarado ang pinto.

Tania: kief ikaw na bahala ha... wag mo pababayaan si alyssa..

Kiefer: oo naman ako pa.

Tania: may tiwala ako sayo wag mong sisirain.

Kiefer: tatawagan na lang kita kung sakaling merong problema.

Tania: nako kief ayoko ng ganyan. kinakabahan ako sayo..

Kiefer: wag ka mag alala hindi ka makaka tanggap ng kahit isang tawag ko.

habang naguusap kami ay biglang dumating si franco na gulat na gulat ng makita niya ako. susugod sana siya ng bigla siyang awatin ni tania.

Tania: frank wag dito please baka marinig tayo ni ly

Franco: anong ginagawa ng gagong yan dito?

Kiefer: ako magbabantay kay alyssa habang wala si tania bakit may reklamo ka ba?

alam kong boyfriend siya ni ly pero wala akong pakealam. nakakainis kasi na siya ang boyfriend pero hindi niya magawang bantayan si alyssa na pabor naman sakin dahil nagkaron ako ng chance para makasama si ly.

Franco: tania ano to? anong ibig sabihin niyang siya mag babantay?

tanong niya at kumawala sa pagkakahawak sakanya ni tania

Tania: frank walang ibang magaalaga kay ly kaya hayaan mo na siya saka hindi naman niya pababayaan si alyssa eh

Franco: at naniwala naman kayo.

Kriefer: pre kung may problema ka sakin sarilinin mo na lang dahil wala akong balak na patulan ka.

Franco: eh gago ka pala eh.

susuntukin sana ako ni franco ng bigla siyang natigilan ng marinig namin si alyssa na tinatawag ako.

Franco: sinong daniel???

Trania: frank ipapaliwanag ko na lang sayo sa sasakyan let's go... kief pumasok ka na...

tumango na lang ako kay tania at tinignan ko ng masama si franco saka ako pumasok sa loob. huminga muna ako ng malalim saka ko pinuntahan si alyssa sa kwarto niya. pag pasok ko ay nakita ko siyang nakatayo sa may biranda kaya agad ko siyang nilapitan.

Kiefer: bakit ka nandito baka malaglag ka.

inalalayan ko siya pabalik sa kwarto at pinaupo sa kama

Aly: naka alis na si tania?

sagot niya at umayos para humiga

Kiefer: oo ..

inilagay ko naman ang kumot sakanya saka ko isinarado ang pintuan ng biranda. pagka sarado ko nito ay umupo ako sa upuan ng dresser niya at tahimik na pinagmasdan ang mukha niya.

Aly: wag mo ko titigan baka malusaw ako.

nanlaki ang mata ko sa narinig ko. paano niya nalaman na nakatingin ako sa kanya?!

Kiefer: ha? hindi naman ako nakatingin

Aly: bulag ako pero malakas ang pakiramdam ko.

Kiefer: lalabas na ako para makapag pahinga ka na . tawagin mo lang ako pag may kailangan ka.

alam kong hindi niya ako nakikita pero nahihiya pa din ako sakanya. lalabas na sana ako ng bigla niya akong tinawag. kinakabahan ako dahil baka nahalata na niyang ako to.

Aly: daniel

Kiefer: a-ano yun?

nauutal na tanong ko dahil kinakabahan nga ako.

Aly: anong lunch ang lulutuin mo?

seryoso? yun lang ang sasabihin niya?

nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko ang sinabi niya.

Kiefer: ano bang gusto mo?

Aly: binagoongan sana kaso wala namang bagoong

malungkot na sagot niya

Kiefer: bukod don wala ka na bang ibang gusto?

Aly: adobo na lang hindi kasi masarap mag adobo si tania.

napangiti naman ako sa sinabi niya. hindi pa din pala nag babago ang paborito niyang ulam. gusto ko sana siyang yakapin pero hindi naman pwede kaya lumabas nalang ako ng kwarto niya dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

napadami ang kain ni alyssa dahil ngayon lang daw ulit siya nakatikim ng totoong adobo. masaya naman ako dahil nagustuhan niya ang niluto ko. pagkatapos naming kumain ay ibinalik ko din siya sa kwarto niya dahil kailangan ko pang maglinis ng condo niya.

pagkatpos ko maglinis ay nahiga ako sa sofa para magpahinga, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod ko. nagising na lang ako ng may narinig akong nabasag, napatayo naman ako agad ng maalala ko si alyssa. pumasok ako sa kwarto niya pero wala siya doon kaya agad akong pumunta sa kusina. nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng ref.

Kiefer: alyssa anong nagyari?

inupo ko muna siya sa dinning saka ko nilinis ang nabasag niyang baso

Aly: iinom kasi akong tubig kaso bigla na lang dumulas yung baso sa kamay ko

napatingin naman ako sa kanya habang pinupulot ko ang mga bubog sa sahig. hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt dahil sa nangyayari.

Kiefer: sorry.

hindi ko na napigilan ang sarili ko at dahan dahan ng tumulo ang luha ko.

Aly: ha? bakit ka nag humihingi ng sorry eh kasalan ko naman

pinunasan ko ang luha ko saka ako tumayo at kumuha ng basong may tubig para ibigay sa kanya

Kiefer: kung hindi kasi ako natulog natulungan sana kita.

Aly: sus ok lang yun kasalanan ko din naman dahil hindi kita tinawag


isang linggo na ang lupimas simula nung tumira ako dito sa condo niya at hanggang ngayon hindi pa din siya nakakahalata na ako si kiefer dahil nagiingat ako ng husto.

nung una medyo naiilang pa siya sakin dahil hindi daw siya sanay na may kasamang lalake sa condo niya pero kalaunan naging ok naman na kami. minsan nga binibiro pa niya ako na baka daw may gusto na ako sakanya dahil ang oa ko daw mag alaga tinatawanan ko na lang siya dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko.

naging maayos at masaya naman ang mga araw na lumipas dahil wala naman kaming naging problema hanggang sa nagising nalang ako isang araw na sumisigaw siya kaya agad akong bumangon para puntahan siya. pagpasok ko ng kwarto niya ay nagulat ako sa nakita ko..

Sunshine After The RainDove le storie prendono vita. Scoprilo ora